WHAT IS OUR MISSION?: Saving Proclamation
LIVE|CFCI Center|May 27,2023
PREACHER: Bro. Orlando "Orly" Armoreda
Noong isang linggo lamang ay ipinagdiwang natin ang kapistahan ng Dakilang pag akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo. Kaakibat ng pag gunita natin sa Pag akyat sa langit ng ating Panginoon ay ang isang pangako na kanyang binitiwan na ating narinig sa Ebanghelyo nakaraaang Linggo: " Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”. Ngayong Linggong ito ay atin namang ipinagdiriwang ang Linggo ng Pentekostes o ang ikalimampung araw pagkaraan ng Paskwa ng pagkabuhay ng Mesiyas at sa Araw ding ito natin ginugunita ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga alagad ni Kristo. Ito rin ang araw na naghuhudyat sa katapusan ng panahon ng muling pagkabuhay at pagpasok naman ng ordinaryong panahong liturhikal.
Malinaw sa ating Ebanghelyo na tayo na kanyang mga hinirang na anak ay kanyang itinatalaga upang tumupad at magpatuloy sa misyon na sinimulan ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa Espiritu Santo, naging matatag ang ating Simbahan sa paglipas ng panahon magmula sa mga apostoles ng ating Panginoon magpahanggang sa ating Santo Papa Francisco. Malaki ang ginagampanan ng Espiritu Santo sa ating Pananampalatayang Kristiyano. Ito ang nagsisilbing gabay natin sa ating misyon at ang nagdidikta sa ating mga puso at isip upang tayo ay patuloy na gumawa ng mabuti sa ating sarili at sa ating kapwa. Lukuban nawa tayo ng Banal na Espiritu upang mas lalo pang maging makabuluhan ang ating mga gawaing pang Espiritwal at tayo bilang mga hinirang niyang lingkod ay maka akay ng ating mga kapatid patungo sa kanyang kaharian.
Kaya nga ngayong Ikaapat na Sabado ng buwan ng Mayo, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Orlando "Orly" Armoreda.
Show More
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.
You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button











