WISDOM. Kailan ka bibigyan ng Diyos ng karunungan?
Naranasan mo na ba sa buhay mo na kung kailan mo kailangang kailangan na makaisip ng solusyon sa problema mo ay saka ka pa walang maisip na tama. Kahit na sinubukan mo ng intindihin ang mga nangyayari pero hindi mo talaga ito maunawaan at hindi mo rin talaga alam ang gagawin.
Maaaring naghahanap ka ng wisdom o karunungan patungkol sa Budgeting mo para mabayaran mo ang lahat ng iyung bills. O naghahanap ka ng solusyon para mabayaran mo ang lahat mong utang. O kaya naghahanap ka ng kasagutan sa nanlalamig niyong relasyong magasawa, O kaya nagiisip ka ng solusyon kung paano mo aayusin ang iyung negosyo na nalulugi. O kaya nagiisip ka ng paraan kung paano mo ihahandle ang mga challenges na nararanasan mo sa iyung mga anak. O kaya maaaring nagangailangan ka ng wisdom kung paano pakikitunguhan ang iyong boss o mga kasamahan sa trabaho. O kaya naman narealized mo na marami ka pala talagang desisyon na nagkulang sa karunungan kaya ka hirap na hirap ngayun at miserable. At Kahit pa nga inakala no na tama naman ang iyung naging desisyon ay hindi nangyari ang iyung inaasahan.
Show More
Alam mo kung nararanasan mo ito ay welcome to the club dahil isa tayo sa binabanggit ni Santiago sa Bible na kulang sa karunungan.
“Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.”
Santiago 1:5 MBB05
Ang salitang kulang sa griyego ay leipo. Na isang picture ng isang bagay na hindi kumpleto, at hindi sapat. Sa english ay pwedeng shortfall, shortage, o scarcity or deficiency. Pwedeng ang halimbawa ay kakulangan sa pinansyal na pangangailangan, o shortage sa supply ng bigas.
Sa case naman ng wisdom ay pagsinabing leipo tayo ay kulang tayo sa kaalaman sa lahat ng detalye, hindi natin alam ang lahat ng nangyari at hindi natin alam ang mga mangyayari pa sa hinaharap. Hindi natin gaya ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Hindi natin nakikita ang lahat ng nakikita ng Diyos. Kaya nga











