You are not just my Pastor | Spoken Poetry


You are not just my Pastor
Original Composition by Sis. Jessie Millena

Sa isang pinakamagandang biyayang natanggap ng Siloam Family sa mundo,
Sa kaisa-isang lalaking nag aruga at tinanggap kami ng buo liban kay Kristo,
Pastor, para sa iyo ang mensaheng ito.

Show More

Ikaw iyung tao
Na kahit kami'y pasaway at matigas ang ulo
Nandiyan ka pa rin
Kami'y lubos na sinusuyo at pinakikisamahan at inaalagaan

Hindi alintana ang sariling problema
Mga problema ng mga miyembro ang pinoproblema.
Suliranin, problema at pagsubok ng isa,
Sa lahat Ikaw ay kasama.

Mga miyembro na inaabuso ang kabaitan mo.
Mga miyembro na mas makulit pa kay Mr. Bean at Jhonny Brvo

Ang Siloam ay taos pusong nagpapasalamat saiyong kabutihan at dedikasyon
Kaya't kami ay sobrang pinagpala na ikaw ang pinagkaloob sa amin ng Panginoon.

Hindi ka lang namin Pastor,
Ikaw din na tumayong ama sa amin
Nagsisilbi naming sandalan,
Sa mga araw at panahon na kami'y lubos na pinanghihinaan.

Hindi ka lang namin Pastor,
Isa kang ring karpentero
Na pag may sira sa bahay sambahan
ikaw ang unang nagreremedyo

Hindi ka lang namin Pastor
Isa ka ring kusenero
Paburitong Bulalo, black meat Tuna adobo, at iba pang espesyal na niluluto
Amoy palang laway mapapatulo

Hindi ka lang namin Pastor
Sabi nga ni Pastor Fajardo noong anibersaryo
Pastor ang may pinaka mataas na rangko
Pero may pinakamababang puso
Gaya ng basahan sa may pinto

Umulan, bumagyo, tag-init man iyan
Na kahit pa masama ang pakiramdam
Hindi ka nag dalawang isip na kami'y puntahan
Na kahit minsan sermon mo ay kinaririndihan at kinatatakutan

Minsan man ay nagkakaroon ng tampuhan,
Ngunit nagpapasalamat kami at may Diyos tayong sa atin ay nagbibigay gabay.
Maraming salamat, Pastor , sa pag-alalay,
Sa amin, sa bawat isa sa patuloy mong paglahad ng iyong mga kamay.

Kami'y saludo sa'yo sa lahat ng mga sakripisyo mo.
Salamat sa iyo, maging sa mga payo mo.
Tunay ang kagalakan na aming nararamdaman,
Sapagkat may isa kaming Pastor na mahal kami ng lubusan.

Maligayang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press