
MAY AWA ANG DIYOS! #bibleversedaily #catholic #bible #devotion
Si Hesus ang ating Mabuting Pastol at kailanman hindi niya tayo pababayaan.

Si Hesus ang ating Mabuting Pastol at kailanman hindi niya tayo pababayaan.

Napakasakit siguronh maranansan na tayo hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos at hindi na rin makikilala ng Panginoon. Nawa lagi nating gawin ang kalooban ng Ama.

Hindi puwedeng paghiwalayin ang ating personal na buhay sa ating personal na relasyon sa Diyos!

Katulad ni Juan Bautista, tayo ay maging tapat sa Diyos!

Ang Haring paparating ay ang Hari ng Katotohanan. Siya ang hinula ng mga propeta at ipinaghanda ng daraanan ni Juan Bautista. Tayo ba ay kanyang kakampi?

Ano ang iyong gagawin kung taliwas sa iyong paniniwala ang sinasabi ng iba? Ikaw ba ay magagalit? Makikinig? Nawa'y biyayaan tayo ng Diyos ng dunong upang makatugon tayo ng matiwasay sa kalooban ng Ama.

Ang panahon ng adbiyento ay panahon ng paghahanda. Ano nga bang uri ng paghahanda ang kalugodlugod sa Panginoon?

Gaano tayo kamahal ng Diyos? Gaano mo kamahal ang Diyos?

Ang sanggol na isisilang sa Belen, at ang ipinangaral ni Juan Bautista ang liwanag at katotohanan ng mundo. Ano ang mga bagay o parte ng buhay mo na nangangailangan ng liwanag ni Kristo? #SimbangGabi #Misadegallo

Ngayon ay Gaudete Sunday, tayong lahat ay inaanyayahang matuwa sapagkat nalalapit na ang pagdatal ng Panginoon. Ngunit papaano nga ba tayo magiging maligaya kung tayo ay puno ng problema?

Mas mainam ang gawa at hindi puro salita.

Ang tunay na kaligayahan ay tanging sa Diyos lamang masusumpungan. Hanapin mo ito hindi sa mundo kundi sa Panginoon.

Malapit na ang pasko! Isang magandang paghahanda bukod sa mg external na palamuti ay ang paghahanda sa ating mga puso at buhay. Tayo ay pinagkalooban ng kapangyarihan ng Diyos, gamitin natin ito upang tulungan ang ating kapwa.

Mahilig tayo sa pasalubong! Dali-daling naglakbay si Maria kay Elizabeth upang ibalita ang napakagandang balitang kanyang narinig. Si Kristo ang pasalubong ang Ama sa ating lahat. Magpasalamat tayo sa Kanya! #Simbanggabi #misadegallo

Ano ang mga sorpresang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ngayong taon? Mayroon ka pa bang hinihintay? Katulad ni Maria, nawa'y buksan natin ang ating puso sa kaligtasang hatid ng Panginoon.

Manalig tayo sa Panginoon sapagkat siya ay mahabagin, pinakikinggan Niya ang lahat ng ating panalangin at ipagkakaloob Niya ang mga ito sa tamang panahon. #simbanggabi #misadegallo

Kung tayo ay may personal na panaginip sa ating buhay, mayroon din ang Diyos sa iyo. Ito ay mas higit sa anumang pangarap na mayroon tayo, at tiyak itong mabuti! Matuto nawa tayong sumunod sa kanyang banal na kalooban. #simabnggabi #misadegallo

Simbang Gabi Day 2: Kahit tayo ay may lamat, hindi man maganda ang ating nakaraan at karanasan, tayo pa rin ay may pag-asa. Mahal tayo ng Diyos at mahalaga tayo sa kanyang paningin.

Kailanman, di tayo kinalimutan ng Panginoon. Siya ay palaging nariyan para sa atin. #SimbangGabi #MisadeGallo

Lagi mo itong tatandaan: mabuti at may awa ang Panginoon sa ating lahat! #simbanggabi #misadegallo

Nakikita mo pa bang buhay at gumagabay ang kamay ng Diyos sa buhay mo?

Bible Verse Daily Day 360: Maging masunurin sa kalooban ng Ama; maging tapat sa isa't isa!

Ang mensahe ng unang pasko ay kapayakan at kababan! Nawa tunay na isilang si Hesus sa ating buhay! #MaligayangPasko #MerryChristmas

Nawa tayong mga tagasunod ni Kristo magkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang kanyang pagsilang sa mundo sa mga paraang alam natin.

Madali ka bang mawalan ng pasensiya? Tayo ay maging katulad ni Simeon sa ebanghelyo, nanalig sa pangako ng Diyos!

Panginoon, gabayan mo po ang aming bagong taon!

Papaano mo sasalubungin ang 2022? Magarbo? Maluho? Magastos? May sikretong nais ipabatid ang ating ebanghelyo ngayon: magtika at magdasal.

Ngayong araw ipinagdiriwang natin ang Ninos Innocentes, tayo ay pinapaalalahanan na ipagtanggol at depensahan ang buhay. Huwag sana tayong mag astang Herodes na kumikitil ng mga inosenteng buhay.

Daily Devotion Day 5: Ano ang kinatatakutan mong mangyari sa iyong buhay? Sa ating devotion reading ngayong araw, napakinggan natin kung papaanong takot ang mga alagad ng Panginoon dahil inakala nilang multo si Hesus. Ngunit ang sabi Niya: "Huwag kayong matakot, ako ito!" Sa mga sitwasyong tayo ay…

Daily Devotion Day 6: Ang buhay ay hindi suwerte o malas. Ang buhay ay regalo at kaloob ng Diyos. Ngayong tayo ay nagsisimula ng taon, inilalatag sa atin ni Hesus ang maaari nating gawin: ang misyon ng malasakit at pakikisama. #DailyDevotionWithFatherFiel

Daily Devotion Day 1: Bagong taon, bagong paglalakbay. Isang taon na walang katiyakan, isang taon na hindi natin alam kung ano nga ba ang ating dadatnan. Ngunit, isa ang sigurado, kasama natin ang Diyos at may pagpapala siyang ibibigay sa ating paglalakbay! #DailyDevotionWithFatherFiel

Daily Devotion Day 4: Sa harap ng taong may pangangailangan, tayong lahat ay tinatawagang imitahin ang puso ng ating Panginoong Hesukristo na may awa at habag sa iba. Isang pusong may aksyon at pagtulong sa kapwa. #DailyDevotionWithFatherFiel