HINDI KITA KAYANG MAHALIN | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hindi kita kayang mahalin
By: Plen Rotao
Produced by: MERCY BLESS
Hindi kita gusto
Ayokong mapalapit Sayo
Ni makasama ka ay Hindi sumasagi sa'king isipan
Hindi kita kayang mahalin
Hindi kita kayang piliin.
Ayaw kitang ipaglaban
Paulit ulit kong sinasabi
Araw Araw na ipinapaalala sa sarili
Kailangan kong mag kunwari
Hindi ko na nga mawari
Kung Tama ba na sayo'y ikubli?
Makailang beses ko ng itinanggi
Sinasabi na ito'y Isang pagkakamali
Hindi ito maaari
Ang nararamdaman ko ay isa lamang guni guni
Ngunit mahirap pala
Mas lalo lang lumalalim
Ang Kaisa Isang bagay na hindi ko Sayo maamin
Na paulit ulit ko mang itanggi
Heto parin ako
Hahabulin ng katotohanang
Ikaw lang Ang aking tinatangi
Sayo parin talaga mapapanatag
iba Ang kabog ng dibdib kapag Ikaw Ang Kasama
Hindi maitatago Ang sayang nadarama
Sa tuwing akoy titingnan mo sa aking mga mata
Na agad naman akong pipihit pakaliwa
At sa ika-isang daang pagkakataon
Ay Ipipikit ko Ang aking mga mata
At sasambitin ulit Ang mga katagang
"Pasensya na, natatakot akong mahalin ka"
Bukod kasi sa posibilidad
Na hindi mo kayang tumbasan
Ang pagmamahal na handa ko sayong ilaan
May takot dito sa puso ko
Na Yung puso mo, ay may iba ng nilalaman.
Minsan nakakatawa na nga
Hindi ko na namamalayan na napapangiti nalang ako bigla
Kapag natatanaw kitang Masaya
Kapag alam kong panatag ka na
Higit pa Ang katumbas na saya
Na aking nadarama
At sabay Ang mga labi ay kukurba
At sasabihing
"Tama na yan, napapangiti ka na naman nya.
Naalala mo ba, na yan Ang simula?"
Hindi ko alam kung Hanggang kailan ko itatanggi
May pangamba na baka sa susunod nating pagtabi
Sa upuan man sa eskwela o sa daan pauwi
Ay Hindi na mapigilan Ang aking sarili
At kusa ko nalang sayong masabi
"Na gusto kita, mahal kita at ipaglalaban hanngang sa huli."
Ngunit sa muli ay aking sisiguraduhin
Na walang kahit Isang kataga Ang aaminin
Dahil uulitin ko Hindi kita dapat mahalin
Dahil bukas makalawa
Alam kong masasaktan rin lang
Sa kadahilanang
Hindi mo akong kayang piliin.
Hindi mo ako kayang ipaglaban