Diyos ng Aming Bayan | Radical Light Worship | Lyric Video
Radical Light Worship
Diyos ng Aming Bayan | Radical Light Worship
Written during the pandemic of June 2021.
Performed by
Main Vocals: Angel Levie Mae Paner-Binarao
Back Up Vocals: Czarina Lazada-Agonoy & Bethlehem Prima
Lead Guitar: Venson Agonoy
Bass Guitar: Glenn Villanueva
Acoustic Guitar: John Pol Manalo
Keyboard: Jerameel Digol
Drums: Jerwin Jaramilla
Lyrics
Verse
Aming Panginoon
Mula sa simula ng panahon
Ang ‘Yong presensya’y naroon
Aming dama hanggang ngayon
Lahat ng aming tinig ay Iyong naririnig
Sa bawat dako ng bansa Ikaw ay sasambahin
Pre-Chorus
Walang takot ano man ang harapin
Ika’y tugon sa aming panalangin
Chorus
Ikaw ang Diyos ng bayang Pilipinas
Sa pagdulog, Ikaw ang aming lunas
Sa bawat pighati’t kalungkutan
Pagdamay Mo ay nariyan
Ika’y itataas ng bawat Pilipino
Magtitiwala sa Iyo ng buong-buo
Kaligtasa’t kagalingan hatid ng ‘Yong pangalan
Panginoong Jesus
Diyos ng aming bayan
Bridge
Purihin Ka o Yahweh (Tagalog)
Daydayawen Ka o Apo (Ilokano)
Simbahon Ka Ginoo (Bisaya)
Daygon Ka o Dios (Cebuano)
Salamat sa’Yo o Yahweh (Tagalog)
Agyaman kami o Apo (Ilokano)
Salamat sa Imo Ginoo (Bisaya)
Daghang salamat Panginoon (Cebuano)