ATING LIBRO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
ATING LIBRO"
(A Spoken Word By: John Curiente Fernando)
Magsisimula ang storyang to sa kung paanong pagmamahalan natin ay nabuo.
At sa ating pagbuo ang pagbukas ng pahina ng ating libro.
Ang magiging laman sa bawat paksa ng mga talata ay mismong tayo, sa kung paano natin ito sinulat at binuo.
Ang Karakter ay ikaw at ako, magsisilbing bida sa storyang ito.
Isinulat sa librong ito ang kwento ng pagmamahal ko at pagmamahal mo,
Pagmamahal na sabay nating ginusto at sinimulang binuo mula nang magkakilala tayo.
Akala ko mula umpisa hanggang dulo magiging masaya ang ating kwento, at umaasang ikaw at ako ay mananatili sa iisang pahina ng ating libro.
Ngunit sa kalagitnaan
tadhanay tayo'y pinaglaruan.
Hindi ko inaasahan na biglang isinulat ang iyong biglaang paglisan, bakit bigla mo nalang akong iniwan?
At hindi ko yon nagawang pigilan.
Sinubukan kong ilaban ang ating storya, isinulat ko na baka pwede lumaban ka, lumaban tayong dalawa...kasi wala naman sa mga plano natin ang aalis ka.
Ngunit mas pinili mong isulat ang lumisan, kaysa sabayan mo akong muling simulan at patuloy na lumaban.
Ang Bilis ng pagbabago at ang bilis mo ring magbago,
Ang bawat kasunod na pahina ay naging magulo.
Biglang nag iba ang ikot ng ating kwento, at napalitan ito ng sakit na hindi naman natin ginusto.
Ang dating kwentong kay saya na puno ng pag ibig at pag asa, ay napalitan ng poot at pighati na hindi na mabura bura.
Nag iba na ang ating istorya, kasabay ng nararamdaman mong para sa akin ay unti unti ding nabubura.
Hindi ko maintindihan at di ko alam ang naging dahilan, kay bilis mong lumisan at di ko manlang napaghandaan.
Magkasundo naman tayo nung nakaraan, pero ngayon lumabo na parang tintang napabayaan.
Pano ba to? Pano ko ba itutuloy to? Gusto kong tapusin ang kwentong to pero wala na tayo.
Sobrang hirap lang kase tayo ang naging bida,
Ngunit sa pagkakataong to, ako nalang pala mag isa.
Mag isa nalang na sinusulat ang kwento nating dalawa, itinuloy ko to para magsilbing alaala.
At Umaasa parin na babalik ka,... at sabay muli nating isulat ang storya ng masasayang alaala.
Hinihiling na Sana andito kapa, sana lumaban kapa.
Ngunit sa isang pahina, pag asa'y humihina,
sa tagal ng panahong wala ka,... unti unti ring nauubos sa panulat ko ang tinta, kasabay sa pagpatak ng aking mga luha, hinihintay, umaasang babalik ka ngunit.. ang tinta ay
Paubos na, at hindi ako sigurado kung babalik kapa ba ? O ako parin ba?.
Napunit ang puso ko at naging pira piraso,
Katulad sa isang pahina ng libro, napunit din nung binitawan mo..
Sinubukan kong ibalik, ngunit sa laki ng punit nito, hindi na maintindihan ang ibang nakasulat dito.
Naging pira piraso at nawawala na ang ibang parte nito.
Parang ikaw na naging parte ng buhay ko,
kase ikaw ulit yung sakin ay bumuo, ngunit di ko lubos na inaasahan,. na ikaw din pala ang wawasak sa taong
iyong binuo, at itago nalang natin sa karakter na "AKO"
Ako na naging parte ng storya mo, Ako na naging parte ng buhay mo at ako na nagsilbing kakampi mo sa storyang to, ay alaala nalang at magiging parte ng nakaraan mo.
Sa Huling pahina ng Librong to ang ating WAKAS,
sapagkat wala na ang aking lakas para ituloy tong istoryang akala kong di magwawakas.
Tandaan mong minahal kita ng wagas, kahit ang mundo at ang oras ay lumipas, ang librong ating isinulat ay di kumukupas..
Isasara ko na ang Ating Libro, sapagkat tapos na ang ating kwento.
Isasarado ko na sapagkat wala na, wala na akong kasama at kasabay para matuloy pa ang storya.
Hindi ko kayang ituloy na nag iisa, sapagkat ang kwento ay para sa ating dalawa.
Nagsara na ang "ATING LIBRO" at
sa muling pagbukas nito, sana ay nasa tamang tao.
Tamang tao na pareho kaming interesado at sigurado, walang iwanan hanggang dulo.
At hindi katulad ng ating kwento na, alaala nalang na nakasulat ang "Ikaw at Ako."