Tagalog Christian Music Video | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Music Video | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"
I
Sa sandaling isilang kang
umiiyak sa mundong ito,
inuumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano't ordinasyon ng Diyos,
tungkuli'y ginagampanan mo,
at sinisimulan ang paglalakbay sa buhay.
Anumang pinagmulan mo
o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pangangasiwa
at pagsasaayos na inihanda ng Langit,
at walang may kontrol ng kanilang tadhana,
'pagkat Siya lamang
na namumuno sa lahat ng bagay
ang may kakayahan sa ganoong gawain.
II
Mula noong araw na umiral ang tao,
nagpapatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain,
sa pamamahala nitong sansinukob at pagdidirekta
sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng bagay.
Tulad ng lahat ng bagay,
tahimik at walang malay ang taong
nakakatanggap ng sustansya ng tamis
at ulan at hamog mula sa Diyos.
Tulad ng lahat ng bagay,
namumuhay ang tao sa ilalim ng pangangasiwa
ng kamay ng Diyos nang 'di namamalayan.
III
Puso't espiritu ng tao'y
hawak-hawak ng kamay ng Diyos,
at ang buong buhay ng tao'y
namamasdan ng mata ng Diyos.
'Di alintana kung naniniwala ka man dito o hindi,
anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay,
lilipat, magbabago, magpapanibago, at maglalaho
ayon sa kaisipan ng Diyos.
Ganito pinamamahalaan ng Diyos
ang lahat ng bagay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.