HINDI DAW INA NG DIYOS SI SANTA MARIA? SAGOT SA MALING UNAWA NG ANTI-KATOLIKO?
Pananampalataya at Katuwiran
Pangunahing binabato sa ating mga kaibayo sa pananampalataya ay ang pagtawag natin sa Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Diyos o "Theotokos".Ngayon ay ating bigyang pansin itong mga paratang nila sa atin na nilalampastangan daw kuno natin ang Diyos dahil sa pagtawag natin sa Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Diyos.
Minsan natatanong natin sa ating mga sarili kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang 'THEOTOKOS"?
Ang "Theotokos" ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "GOD BEARER".
kaya ang tawag sa ating Mahal na Birheng Maria ay THEOTOKOS dahil ang dinala niya sa kanyang sinapupunan ay ang Pangalawang Persona ng Santisima Trinidad.
Kailan ba ito idineklara?
"The Council of Ephesus in 431 A.D declared Mary the Mother of God.This was to safeguard the Divinity of Christ,which was being attacked by the nestorian heretical group.Mary is the Mother of God the Son since Jesus Christ was God in the Flesh."
(CATHOLIC APOLOGETIC 101
BY:ADADZIE DELALI GODWIN-former Evangelical Presbyterianism)
So ayon po,nalaman po natin na ang pagdeklara ng Dogma tungkol sa pagiging Ina ng Diyos ng ating Birheng Maria ay noon pang 4th century sa council of Ephesus.Dinaklara nila ang pagiging Ina ng Diyos para madepensahan ang pagiging Diyos ng ating Panginoong Jesukristo.
Ngayon ang tanong natin,saan ba naging Ina ng Diyos ang ating mahal na Birheng Maria sa pagka-Diyos ba o sa pagiging tao niya?
Mas maganda kung ang sasagot ay ang ating Katesismo.
Ganito po ang sabi ng ating Katesismo: (Catechism of the Catholic Church:Paragraph 495 page 139)
"Called in the Gospels "The Mother of Jesus". Mary is acclaimed Elizabeth at the prompting of the Spirit and even before the birth of her Son,"THE MOTHER OF MY LORD" in fact,the one whom she concieved as man by the Holy Spirit,Who TRULY become her Son according to FLESH was none other than,the Father eternal Son,the Second Person of the Holy Trinity,hence the Church confesses that Mary is TRULY the "MOTHER OF GOD".(THEOTOKOS)
Ayon,so maliwanag po ang nakasulat po sa ating Katesismo na ang Pagiging Ina ng Diyos ng ating Mahal na Birheng Maria ay hindi sa kanyang pagka Diyos kundi sa kanyang pagiging tao.
lage po nating tandaan na ang Divine nature po ng ating Panginoong Jesukristo ay nag exist na po noong una pa man na ating mapapatunayan sa bibliya na kung saan mababasa sa Juan 1:1, hebrew 1:8,hebrew 1:10.
Ang pagiging Ina ng Diyos ng Mahal na Birheng Maria ay tumutukoy sa pagiging tao ng ating Panginoong Jesukristo.
We all know as Catholic except to the heresy of the Church that Jesus Christ has two nature,Human and Divine nature,but this two nature are unites in One Divine Person,and that is what we called the "HYPOSTATIC UNION"
itong dalawang kalikasang ito ng ating Panginoong Jesukristo ay hindi pwedeng maghiwalay sa Divine Person ng ating Panginoong Jesukristo.
Kaya ang pagtawag sa ating mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Diyos ay ganito:
"MARY IS THE MOTHER OF THE SECOND PERSON OF THE HOLY TRINITY IN HIS HUMANITY NOT IN HIS DIVINITY"
Bilang patunay na ang ating mahal na Birheng Maria ay Ina ng Diyos ay ang luke 1:43 na ganito po ang ating mababasa.
""How is it that the MOTHER OF MY LORD comes to me"
ang Lord na nakasulat po dito ay kapital letter "L" po na pinapatunayan lamang po na ang Panginoon o Lord na nabanggit sa talatang ito ay hindi makalupa na panginoon.
kundi yung Panginoon na nasa Langit.
ang "LORD" sa wikang Hebrew ay ADONAI na kung saan ito ay nararapat lamang sa Diyos,yan ang tawag ng mga Hudyo sa Diyos ng esrael na si YAWEH.
at maliwanag po sa bibliya na ang Panginoong Diyos ay iisang Panginoon.
(DEUT. 6:4)
Kaya pwede ring sabihin na "Is it that it was granted to me that the Mother of my GOD visits me.
so maliwanag lamang po na ang pagdeklara ng ating Simbahan tungkol sa pagiging Ina ng Diyos ng ating Mahal na Birheng Maria ay hindi po gawa,gawa o imbento lamang po ng simbahan kundi ito po ay nakabase sa Bibliya.
#catholicchurch #faith #religion #spiritualwarfare #bible #defendthecatholicfaith #truechurch #tradition #sacredimages #santamaria