KAIBIGAN LANG PALA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Kaibigan lang pala
by: Sol Seil
Produced by : MERCY BLESS
Nandito na naman ako sa iyong tabi nangungulit.
Kahit alam kong ang aking puso ay mapupunit.
Sa mga salitang binigkas mo na naistuck sa aking isip. Kaibigan lang kita, ang sakit. Ganito ba
talaga ang pag-ibig? sadyang magpagkait?
Wala naman sa plano ko maging ako yung nasa puso mo. Pero ngayon..
nandito...
inisip kung may pag asa ba ako. Lahat ng iyon ay biglang nawala na parang bula nung makita
ko kayo ng iyong bago, magkasama nakaupo. nagkukulitan, nagtatawanan, naghaharutan. Yan
tuloy napabili ako ng kwek kwek sa kanto habang pinapanood kayo kahit wala sa plano. Ibat
ibang salita ang napasok sa isipan ko.
Dapat pala hindi ako umasa,
Dapat pala hindi ako nagpakatanga
Dapat pala hindi ako yumakap sa tadhana
At Dapat pala hindi nalang kita nakilala
Sa dami kong dapat sabihin hindi ko namalayan nagsimula na akong magbilang. magbilang
ng....
isa.... dalawa.... tatlo.... malabong magiging tayo kasi kahit na anong gawin ko na gusto mo
hindi ako ang pipiliin mo kasi alam ko na may iba kang gusto at iyon ay hindi ako.
Apat.... lima.... anim.... Ipapaubaya na kita sa iba dahil hindi naman ako sakim at hindi ko na ito
gagawing lihim upang hindi na maging malalim ang hukay sa puso kong nag dilim.
Pito.... walo..... siyam.... Na kahit anong iparamdam ko sayo wala kang mararamdaman kaya
dito nalang ako magsasabi ng paalam
At sampo.... sana ito na ang huling numero sa ating yugto para hindi na malito ang aking puso
kung kanino ba ito tunay nagkakagusto.
Kakalimutan na kita
Pipilitin kong kayanin kahit wala kana
Akala ko kasi ikaw si cinderella
na kapag nahanap ko ang isang kapareha
ikaw ang aking magiging prinsesa
Alaka ko lang pala
Yeah I know it really hurts pero yun ay tanggap ko na
dahil masaya na ko makita ka na masaya