SA TAMANG PAGKAKATAON | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS

2,180 views,

MERCY BLESS

246,000 views

"SA TAMANG PAGKAKATAON"
SPOKEN WORD POETRY
By:Ian Joshua Ejar
Ilang beses na akong magmamahal at umibig
ilang beses na ring nasaktan at nabigo sa ngalan ng pag-ibig.
Ibinuhos ko ang pagmamahal na tunay at tapat ng halong biro at walang pag aalinlangan,at
hindi na naisip ang sarili ay tirhan.
ilang beses akong lumaban para sa isang pag-ibig na akala ko'y may roong kasiguraduhan
ngunit yun pala'y pagpapanggap lang at puro kasinungalingan.
At ngayun takot na yung puso ko na muli pang sumugal at mag mahal. Dahil sigurado ako na
ito'y mauuwi lamang sa pag daloy ng mga luha at pagkadurog ng puso ko na umibig ng
lubusan.
Kaya hihintayin ko na lamang na dumating ang tamang tao,na dumating ang taong muling
lulusaw ng mga agamgam ko,upang 'di muling maiwang luhaan at 'di na muli pang masaktan.
Dahil alam ko na sa tamang pagkakataon pag-ibig ay ibibigay rin sa akin ng panahon, at mga
sugat ay untiunti ring mahihilom.
Kaya ayos lang na ako ngayo'y mag-isa sapagkat puso'y inihahanda para sa nakatadhana na
ibibigay sa akin ng kusa.

Related Videos

 /