NARARAPAT NGA BA TALAGA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
NARARAPAT NGABA TALAGA?
By:Ian Joshua Ejar
Produced by: Mercy Bless
Dumating ka sa buhay ko,
sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Puso't ispan ay wala pa sa ayon,
naguguluhan kung kanino ngaba sasangayon.
Sapagkat ilang beses nang nadurog puso,
dahil sa mga pangakong minsan nang napako,
na naging dahilan ng pagkabigo ng puso,
at ng aking pagkabilango.
Ngunit nararapat ngabang piliin kita?
o mas mabuting huwag na muna?
sapagkat natatakot akong ibigin ka,
natatakot na muli na namang magpapaubaya.
Pero mas pinili mo na manatili sa lilim ko,
isinaayos mo itong magulong puso.
at hinilom mo ang mga sugat sa loob nito,
kahit na ako'y hindi pa sigurado.
Kaya ngayon ako'y nangangako,
nangangakong ikaw siyang tanging pipiliin ko,
ang siyang tanging iibigin ng puso.
Kaya pipilitin kong maging sigurado,
upang panindigan itong aking mga pangko.
Kahit na alam kong mahirap ito,
hindinghindi ako susuko.
Gagawin ko ang lahat upang ikaw ay ipanalo,
kahit na nasa mahirap na sitwasyon tayo.
Ikaw at ako ay mananatili sa tahangang ating binuo,
At ang magiging bida isinusulat nating libro.
Kaya ngayon hindi na ako matatakot pa,
wala na akong hahanapin pa,
sapagkat dumating na yung taong akin nang
makakasama.
Wala ng iba ikaw at ikaw lamang minamahal
kong ibara.