Paghipo sa Panginoon | Homily for the 13th Sunday in Ordinary Time (B)

1,006 views,

Sa Madaling Sabi

24,400 views

Paghipo sa Panginoon

Walang hanggan ang kapangyarihan ng Diyos. Kung sa kanyang salita ay nalikha ang lahat, kung sa pamamagitan ng pagkatao ni Hesus ay naligtas ang lahat at sa pamamagitan ng Simbahang pinuspos ng espiritu ay pinababanal ang lahat, hindi ba magagawa ng Diyos na padaluyin ang kanyang biyaya sa mga material na bagay?

Kaya nga sa totoo lang, ang akala natin tayo ang umaabot at humihipo kay Hesus. Subalit ang totoo, tayo ang palagi niyang hinihipo sapagkat gumagamit siya ng maraming instrumento, makatagpo lamang tayo. Tulad ng babaeng dinurugo na gumaling, hinahanap din tayo ni Hesus. Huwag tayong magtago sa kanya dahil sa bawat himalang nararanasan natin sa buhay, hindi lamang ang mga banal na bagay ang dapat nating parangalan kundi siya na dapat nating sambahin bilang Diyos na pinagmumulan ng kapangyarihan.

Humihipo ka rin ba sa mga imahen, relikiya o iba pang mga banal na bagay? Bakit mo ito ginagawa? Ikaw ba’y nagdedebosyon sa mga bagay o sa Panginoon?

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) | 30 Hunyo 2024
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barsoain Church

Karunungan 1, 13-15; 2, 23-24
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b
Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.
2 Corinto 8, 7. 9. 13-15
Marcos 5, 21-43 o kaya Marcos 5, 21-24. 35b-43
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | www.instagram.com/samadalings...
Twitter | twitter.com/broknight07
Tiktok | www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#13thSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily

Related Videos

 /