KANTANG PARA SAYO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT |MERCY BLESS
MERCY BLESS
Kantang para sayo
BY: PLEN ROTAO
Produced by : MERCY BLESS
Sa harap ng mga kasama
Palihim kitang inaalayan ng isang kanta
Hindi man masabi sayo ng diretsa
Kahit sa liriko manlang sana
masabi kong mahal kita.
Nagtagpo ang ating mga mata,
Sabay nating binigkas ang isang kataga
May parte ng liriko kung saan tayoy nagtugma.
Binanggit ko ng mas kislap sa'king mga mata
Ngunit ang pinagkaiba
Para sayo ang salitang yun ay parte lamang ng isang musika.
Kung bakit isang lihim
Ang madalas ipinagdadasal ng taimtim
Hindi ko man maamin
Ngunit ang lahat ay nagtataka
Bakit mga Kilos ko'y iba pag ikaw ay nandyan na.
May pag aalinlangan, may pag aalala
Mga kilos na hindi ko man sinasadya
Ngunit pilit nitong ipinapakita
Ang damdaming isang lihim lang sana
Iiwasan ang bawat tingin
Sa saliw ng isang awitin
Puso koy laging may kaba
Sa Tuwing ikay kumakanta
Hindi malaman kung dapat bang matuwa
Kung alam kong ang kantang yun ay alay mo rin para sa kanya.
Aawitin ng paulit ulit hanggang tuluyan mo ng maisa-isip
Na ang bawat liriko
ay paraan ng pag amin ko
ng nararamdaman para sayo
Ngunit mistulang kumplikado
Alam mo lang ang ibig sabihin ng mga ito
Ngunit hindi ang dahilan kung bakit yun ang kantang napili ko,
Para sayo.