PAALAM, PATAWAD MAHAL KO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS

3,141 views,

MERCY BLESS

244,000 views

PAALAM, PATAWAD MAHAL KO
by: Sammy Tribunalo

Unang pagkikita ikay minahal ko na
Pangalawang pagkakataon ikay nais na makapiling na.
Akoy minahal mo at ikay minahal ko
Ngunit dahil sa akoy naging sakim sayu
Pagmamahal Moy naglaho.
nung una akala koy walang wakas na.
Pero hindi pa pala sa kadahilanang akoy hindi naging totoo sayu sinta.
At ngayong wala kana labis ang pagsisi na nadama,
paano maibabalik ang dating pagsinta ngayo't ang puso moy puno na nang galit at pangamba.
wala na ang dating pagmamahal na iyong nadama.
Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon pipiliin kung maging mag isa at hindi ka na kilala.
para sana hindi ko nasaktan ang pusong mong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang tulad ko di ba?
Pero dahil sa hindi ko na kayang ibalik pa ang oras at panahon na nasayang kuna. Sana sa pagkakataong ito akoy mapatawad mo pa.
hindi man ngayon, hindi man bukas, sana sa tamang panahon sinta.
Mahal ko ? Ako sayuy hindi naging totoo sa aking pagkatao.
ngunit may isang bagay na akoy segurado at totoo.
Yun ay ang pagmamahal ko sayu ng buong buo.
At sa huling mensahe ko sayu asahan mo patuloy kitang mamahalin ng patago at palayo.
hangang sa dumating ang panahon na muli tayung magtagpo.
Paalam, Patawad mahal ko

Related Videos

 /