2 Aklat ng mga Hari Audio Bible | Tagalog Audio Bible


Sa Ikalawang Aklat ng mga Hari ipinagpapatuloy ang kasaysayan ng nahating Kaharian ng Israel (Hilagang Kaharian). Nahahati ang aklat na ito sa dalawang pangunahing bagahi:
1) Ang kasaysayan ng dalawang kaharian mula sa kalagitnaan ng ikasiyam na siglo B.C. hanggang sa pagbagsak ng Samaria, at ang katapusan ng Hilagang Kaharian noong 722 B.C.
2) Ang kasaysayan ng Kaharian ng Juda (Katimugang Kaharian) mula sa pagbagsak ng Kaharian ng Israel hanggang sa pagkubkob at pagwasak sa Jerusalem ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, noong taong 586 B.C. Ang aklat ay nagwawakas sa ulat tungkol kay Gedalias bilang gubernatorial ng Juda sa ilalim ng mga taga-Babilonia at isang ulat tungkol sa pagpapalaya kay Haring Jehoiakin ng Juda mula sa piitan ng Babilonia.
Naganap ang mga kapahamakang ito sa bansa sapagkat nagtaksil kay Yahweh ang mga hari at mga mamamayan ng Kaharian ng Israel at Kaharian ng Juda. Ang pagkawasak ng Jerusalem at ang pagkakadalang-bihag sa maraming taga-Juda ay ilan sa mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Israel.
Si Eliseo ang propetang nangunguna sa aklat na ito bilang kapalit ni Elias.

Nilalaman
Ang nahating kaharian (1:1-17:41)
a. Si propeta Eliseo (1:1-8:15)
b. Ang mga hari ng Juda at Israel (8:16-17:4)
k. Ang pagbagsak ng Samaria (17:5-41)
Ang kaharian ng Juda (18:1-25:30)
a. Mula kay Ezequias hanggang kay Josias (18:1-21:26)
b. Ang paghahari ni Josias (22:1-23:30)
k. Ang mga huling hari ng Juda (23:31-24:20)
d. Ang pagbagsak ng Jerusalem (25:1-30)

Show More

Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/

Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music

#tagalogbible
#bible
#2mgahari
#thesecondbookofkings
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press