2 Cronica Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang Ikalawang Aklat ng Mga Cronica ay karugtong ng Unang Cronica. Inilalarawan nito ang paghahari ni Solomon, iniuulat ang paghihimagsik ng mga lipi sa hilaga sa pangunguna ni Jeroboam laban kay Rehoboam, anak at kapalit ni Haring Solomon. Ang malaking bahagi ng aklat ay tungkol sa panahon ng Nahating Kaharian, ang Juda at Israel (kabanata 10-36). Kaunti lamang ang kanyang sinulat tungkol sa Kaharian ng Israel sapagkat para sa kanya ito ay hindi kumakatawan sa tunay na Israel dahil sa pagtalikod nito kay Yahweh. Gayunpaman, ipinababatid rin ng sumulat ang tungkol sa lubusang pagtalikod sa relihiyon ng Kaharian ng Juda. Bilang pagtanggap sa paniniwalang ayon sa Aklat ng Deuteronomio na ang pambansang kapahamakan ay bunga ng pambansang kasalanan, nakatagpo ang sumulat ng sapat na dahilan kung bakit naganap ang kapahamakan ng Juda. Binigyang-kahulugan niya ang mapanglaw na nakaraan bilang isang babala para sa kanyang panahon at para sa hinaharap.
NILALAMAN
Ang paghahari ni Solomon (1:1-9:31)
a. Ang mga unang taon (1:1-17)
b. Itinayo ang Templo (2:1-7:10)
k. Ang mga huling taon (7:11-9:31)
Ang paghihimagsik ng mga lipi sa hilaga (10:1-19)
Ang mga hari ng Juda (11:1-36:12)
Ang pagbagsak ng Jerusalem (36:13-23)
Show More
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#mgacronica
#thesecondbookofchronicles
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos
#bible











