2 SAMUEL Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang ikalawang aklat ni Samuel, karugtong ng Unang Aklat ni Samuel, ay kasaysayan ng pagha-hari ni David; sa Juda (kabanatang 1-4), at sa buong bansa, kasama ang Israel (kabanatang 5-24). Ito ang malinaw na ulat tungkol sa pakikipaglaban ni David sa mga kaaway sa loob ng bansa gayundin sa mga taga-labas, upang mapalawak ang kanyang kaharian at mapatatag ang kanyang katayuan. Ipinapakita rito si David bilang isang taong may matatag na pananampalataya at maalab na pagmamahal sa Diyos. Katunayan, binalak niyang magtayo ng isang templo para kay Yahweh. Ngunit ipinahayag ng Panginoon kay David na ang anak nito ang magtatayo ng templo.
Ipinapakita rin dito kung papaano nahikayat ni David ang kanyang bayan na maging matapat sa kanya. Gayunpaman, isinasalaysay din sa aklat na ito na minsan siya'y malupit rin at handang gumawa ng di mabuti makamtan lamang ang sariling pagnanasa at ambisyon. Ngunit nang iharap sa kanya ni Propeta Natan ang kanyang mga kasalanan, nagsisising inamin niya ito at mapagpakumbabang tinanggap ang parusang ipinataw ng Diyos.
Ang buhay at ang mga nagawa ni David ay naging malaking pagpapala sa mga Israelita. Kaya't sa mga panahon ng pambansang krisis, at nang sila'y humiling ng bagong hari, ninais nilang ito ay mag-mula sa angkan ni David.
Nilalaman
Ang paghahari ni David sa Juda (1:1-4:12)
Ang paghahari ni David sa buong Israel (5:1-24:25)
a. Ang mga unang taon (5:1-10:19)
b. Si David at si Batsheba (11:1-12:25)
k. Mga suliranin at kahirapan (12:26-20:26)
d. Ang mga huling taon (21:2-24:25)
Show More
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#2samuel
#thebookofsamuel
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos











