AKALA KO TAMANG TAO NA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
AKALA KO TAMANG TAO NA
By:Ian Joshua Ejar
Simula pa nong una tayong magkita
ako sayo'y napaibig na,agad akong humilig Kay bathala kung maaring ipaubaya kana sakin ng tadhana.
Sapagkat ako'y iyong napahanga
sa kakaibang katangian na iyong dala,
at katiyakan na nakikita ko sa iyong mga mata,
na naging dahilan kung bakit ikaw ay minahal ko ng sobra.
Ngunit tila ba ako'y nalilito kung maibabalik mo ngaba ang pagmamahal na inalay ko,
Sapagkat simula nong umpisa ikaw sakin ay naging mahalaga na, at wala ng tanging hinihiling kung 'di ay mapasaakin ka.
At ngayo'y nararamdaman ko na
na ako'y balewala lang pala sayo sinta,
na ang akala kong tamang tao na, ay magiging dahilan lang pala ng lungkot na nadarama at pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata.
Kaya heto ako umaasa na sana'y sabihin mo
kung may puwang ngaba dyan sa puso mo,
ang Isang tulad ko, na walang ibang ginawa kung 'di mahalin ka ng buo.
Umasa ako na sana'y maramdaman mo
ang pagmamahal na binuo ko at ang mga pangakong tutuparin ko, para lamang sayo mahal ko.
Kaya pakiusap sabihin mo naman ang iyong tunay na nararamdaman,
upang aking mapagtanto kung ako ngaba'y tamang tao na para sayo, upang mas maaga akong susuko kong hindi man ako ang para sayo.
Huwag mo naman akong gawing tanga,
sapagkat nasasaktan rin naman ako sinta.
Sigro hangang dito na lamang ang ating istorya.