Akong Bahala


AKO ANG BAHALA
Homiliya para sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay,
29 Abril 2023, Juan 10:1-10

Ang background ng ating ebanghelyo ay ang ating narinig na Salmong tugunan. Kilala nating lahat ito at madalas natin itong marinig lalo na sa mga Misa para sa mga Yumao: Salmo 23, “ANG PANGINOON ang aking Pastol.” Sa ebanghelyo naman ang narinig natin ay “AKO AY ang mabuting pastol.” Hindi ba parang ang laki ng lundag? Mula sa “THE LORD is my Shepherd” tungo sa “I AM the Good Shepherd?” Sisikapin kong ipaliwanag sa homiliyang ito ang koneksyon ng dalawang pangungusap.
Obvious kasi para sa may-akda ng Salmo 23 kung bakit ang Panginoon ang mabuting pastol. Bakit?Kasi daw, “…pinagiginhawa niya akong lubos. Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan, ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan, sa tumpak na landas, siya ang patnubay.” In short, sa mabuti niya ako inaakay.
Sa Bibliya, ang tawag sa Salmong ito ay “Salmo ni Haring David”. Ibig sabihin, ang hari ang nagsasalita; siya ang nagsasabing “Ang Panginoon ang aking Pastol.” Para bang sinasabi niya, “Hindi ako, kundi ang Panginoon, ang Pastol ng bayang Israel. Kung ako man ay namumuno bilang hari, ako’y katiwala lang niya. Para bang buong kababaang-loob na ipinaaalala ni Haring David sa sarili niya na kahit tinuturing siya bilang pinakapastol ng bayang Israel, “Sa harapan ng Diyos, siya’y kabahagi lamang ng mga kawan, dahil walang ibang pastol ang Israel kundi ang Panginoon. “
Alam ni David ang ibig sabihin ng maging pastol dahil iyon ang kanyang pinagmulan. Di nga ba’t ayon sa kuwento sa Aklat ni Samuel (1Sam16), pinahanap daw ng Diyos sa propeta ang kanyang ibig hirangin na maging hari mula sa mga anak na lalaki ni Jesse? Isa—isang kinilatis ng propeta ang mga binatang anak ni Jesse, pero paulit-ulit na ibinulong ng Diyos na hindi sila ang kanyang pinili. Hanggang sa ipinatawag pati ang binatilyong anak mula sa pagpapastol, at siya ang pinili. Sabi pa ng Diyos kay Samuel—ang Diyos ay hindi sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press