ALAALA NALANG | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Alaala Nalang
Sol Seil
Produced by: MERCY BLESS
Uy munti kong estranghero nandito nanaman ako. Kwento ko lang mga ala-ala nating binuo ng
iyong yugto sa aking libro. Ito yung tipong ala-alang gusto ko na kalimutan pero laging
nandyan... nagpaparamdam.
Yung pabigla bigla nalang ako nito dinadala kung saan kita unang nakilala. Kung kailan kita
sinabihan ng "musta ka?" na ang ibigsabihin ay "gusto kita" at pagsagot mo ng "ayos lang, ikaw
ba?" na ang ibigsabihin ay "gusto rin kita".
Yung mga ngiti mong lagi kong nasa isip. Mga boses mong lagi kong naririnig. Mga kamay mo
na sana lagi kong hawak ng mahigpit. At sa mga paulit ulit kong pangungulit.
Yung mga kwentuhan ng mga storya sa isa't isa. Mga walang katapusang tanungan na puro
ang tanong ay paulit ulit na. Lagi lang naman ang sagot ko ay "Gusto kita, Ikaw lang wala ng
iba".
Yung mga biglaang nakakatulog habang kausap ka. Mga pagsasabi mo ng "pahinga kana,
pagod ka".
Makakalimutin akong tao pero bawat storya na iyong kinuwento, nandito sa isipan ko. Pati nga
yung mga binigay mong regalo. nandito....... nakatago.
Sa tuwing nakikita ko ang mga ito,
Tila ba'y naaalala ko ulit ang ating kwento,
Pero sa pagkakataong ito ay hihiling nalang ako
Na sana "Yakapin mo ako, Kahit hindi na totoo"
Walang umaga, hapon, gabi na hindi kita inalala. Kasi hanggang ngayon akoy umaasa na
meron pa. Sa bawat storya banaman ikaw lagi ang paksa. kaya lagi kong hiling kay bathala
sana pwede pa.