Ang Aklat ng Amos Tagalog Audio Bible


Si Amos ang unang propeta sa Biblia na ang pahayag ay naitala nang buo. Kahit na siya'y mula sa isang bayan sa Juda, nangaral siya sa Kaharian ng Israel noong kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C. Noo'y panahon ng kasaganaan, at ang mga tao'y relihiyoso at matiwasay ang buhay. Subalit nakita ni Amos na ang mayayaman lamang ang nananagana dahil sa kawalang-katarungan at pang-aapi sa mahihirap. Hindi taos-puso ang pagsasagawa ng mga tuntuning panrelihiyon at ang katiwasayan ay panlabas lamang. Taglay ang malasakit at katapangan, ang propeta ay nagpahayag na paparusahan ng Diyos ang bansang Israel. Nanawagan siya sa kanila na "padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog." at sinabi pa niyang, "Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buhay sa lahi ni Jose" (5:15)

Nilalaman
Paghatol sa mga karatig-bansa ng Israel (1:1-2:5)
Paghatol sa Israel (2:6-6:14)
Limang pangitain (7:1-9:15)

Show More

Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/

Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music

#tagalogbible
#bible
#angaklatngamos
#bookofamos
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press