Ang Pag-Ibig at Pagsunod ay Hindi Mapaghihiwalay
Maraming mga mangangaral, pastor, at Kristiyano ang nagsasabing love is all we need. Pag-ibig na lamang ang kailangan. Dahil dito, hindi na kailangang sundin pa ang mga utos ng Diyos. Kung sa bagay, ginawa na ni Yahshua o Hesukristo ang lahat para sa atin.
Ngunit, yun nga ba ang mababasa natin sa Bibliya?
Sa presentasyon na ito, papatunayan namin na mali ang paniniwalang pag-ibig na lamang ang kailangan at puwede na natin isantabi ang mga utos ng Diyos. Hayaan nyo na aming ibahagi ang limang dahilan kung bakit ang pag-ibig at pagsunod sa Diyos ay magkasama, at dapat nating ginagawa bilang mga Kristiyano.











