Ang Panirang Damo sa Loob ng Iglesia

61 views,

KaVlogger Bro. Joel Padilla

1,050 views

Sadyang may pagkakaiba ang na sa sa loob ng Iglesia ng Diyos kasi ito ay may kanya kanyang kinalakihan, nakasanayan, iba-iba ang magulang. may ibang kultura, salita, at tradisyon, subalit noong makilala na nila ang Panginoong Jesus ay nabago sila nito. subalit may hindi maiwasan na yoong mga na sa sa loob ng Iglesia na sadyang naging panira pa sila at naging balakid, sabagay hinsi natin masisi ang sino man subalit pwedi natin itong atusin o baguhin kung tayo man ang may dahilan. kaya sa Pag-aaral na ito ay maaring makakatulong at nagpapaalala sa bawat isa sa atin na kailangang ating isagawa sa buhay natin tara at ating pag-aaralan kung ano ang nais ng minsahing ito sa bawat isa sa atin.

Susing talata:
Mateo 13:24-30

Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:
Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.
Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.
At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?
At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?
Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.
Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

Matthew 13:24-30.

Related Videos

 /