ANG PEREGRINO


ANG PEREGRINO
Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor,
25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28

Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti at tinatawag na Santiago El Matamoro, at ang Santiago El Peregrino, nakasumbrero, may hawak na tungkod at naka-balabal na may nakasabit na kabibeng simbolo ng peregrino.
Nong bagong pari pa ako, at batang-bata pa, may nasabi ako sa aking homily sa araw ng pista ni Santiago na hindi ikinatuwa ng mga nakatatanda sa aming baryo. Nasabi ko na, kung kasaysayan ang pagbabatayan, imposibleng sumakay si Santiago ng kabayong pandigma, nagsuot sundalo at nakipaglaban sa mga Morong Muslim noong 9th century. Bakit? Ang orihinal na Santiago ay nabuhay noong first century at wala pang mga Muslim noon. Halos 6th century na nang magsimula ang Islam. At ang tinatawag na giyerang “reconquista” o digmaan ng mga Kastila laban sa mga Morong sumakop sa kanila ay naganap sa loob ng walong siglo mula 8th century. Nasabi ko na isang alamat ang kuwento tungkol sa Santiagong Matamoro. Sa gitna ng giyera, nakita daw ang isang mahiwagang sundalong nakakabayong puti na tumutulong sa kanila para mapalaya ang Espanya sa mga Morong sumakop sa kanila at sumupil sa kanilang pananampalataya.
Palagay ko, kaya pinasikat ang Camino de Santiago, ay para ibalik sa alaala ng mga Espanyol lalo na ng mga taga-Compostela, na bahagi ng rehiyon ng Galicia, na hindi mandirigma kundi peregrino ang orihinal na apostol. Na ang buong buhay niya ay may kinalaman hindi sa pakikidigma kundi sa pagsunod sa Camino o Landas ni Kristo. Sa ating ebanghelyo, parang mga mapusok na kabataan ang dating ng magkapatid na anak ni Zebedeo—si Santiago at Juan. Ambisyoso, agresibo, walang hangad kundi ang maging dakila. Sa version ni San Mateo, ang nanay ang humiling na mapwesto ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press