ANG TAO BA AY LIKAS NA MABUTI? / ROMA 1


Ben Filio

62 views

ANG TAO BA AY LIKAS NA MABUTI? / ROMA 1

Sa ating mundo ngayon, tunay nga na ang pamumuhay ng tao ay masyadong mabilis. Katulad ng paghahanap ng information ukol sa maraming bagay ay madali mo ng makukuha dahil sa internet. Ika nga nila na ang mga information ay readily available at the tip of your fingers.

Show More

Ngunit kung hindi tayo mag iingat, ay maaring ang iyong makuhang information ay mali na nagpapanggap na totoo.

Bilang mga mananampalataya ni Hesu Kristo, tayo ay tinatawag na patuloy na magbubulay bulay sa Kanyang Banal na Salita araw-araw, upang ating mabatid ang mga maling katuruan at ng katotohanang inihahayag ng Biblia.

Aking madalas naririnig na kapahayagan ng isang sikat ng Pastor sa mundo ngayon, na “Ang tao ay likas na MABUTI… 99.9% siya ay Mabuting Tao… Maaring siya ay nagkakamali, pero siya ay may MABUTING puso…”

Ngayon, Kung ikaw ang aking tatanungin Kapatid…. Ayon sa Biblia, Ang tao po ba ay likas na MABUTI?

Maaring ang iba ay sasagot ng OO… at iba namay HINDI… maaring ang iba ay HINDI ko alam….

Sa videong ito ay ating uumpisahan ang isang Serye ng pag-aaral ng isa sa mga Sulat ni Apostol Pablo, ang aklat ng mga Taga Roma. Samahan nyo po ako mga Kapatid at ating pag aralan ang aklat ng Taga Roma, na masasabi nating na pinaka malaman sa kaalaman ukol sa tunay na kalagayan ng tao at ang dakilang pamamaraan ng Dios sa pagliligtas sa sangkatauhan.

Nawa po ang Banal na Espiritu ang Siyang sumaatin, upang ating maunawaan ang mga kapahayagan ng Banal Na Salita ng Dios, Ang Biblia.
Purihin ang Dios!

Sa Dios ang lahat ng papuri!

CREDITS:

REFERENCE
ANG BIBLIA TAGALOG 2001

PHOTO SOURCE
BY PIXABAY
BY UNSPLASH
BY PEXEL
GOOGLE

VIDEO SOURCE
VIDEO BY TIMA MIROSHNICHENKO: PEXEL

Disclaimer:
All Photos and Videos Featured are not my own. No copyright infringement intended.

BIBLE SOFTWARE
http://blueletterbible.org

MUSIC CREDIT
YOUTUBE AUDIO LIBRARY

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press