Ang Totoong Kalaban | Homily for the 10th Sunday in Ordinary Time (B)


Ang Totoong Kalaban

Sa totoo lang, ang tukso ng demonyo na maliitin natin ang ating sarili ay patuloy na sumisira sa ating pagkatao at sa pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao. Hindi nga ba’t hanggang ngayon, may mga pagkakataon na ang nakikita natin ay kung ano ang kulang sa atin? Kaya kung minsan, ikinukumpara natin ang sarili sa iba. Dahil dito, gumagawa tayo ng kung ano-anong paraan para lamang may mapatunayan sa ating sarili at sa ibang tao kahit pa nakasisira na sa ating sariling buhay at sa buhay ng iba, kahit pa kung minsan ito’y kasalanan na sa Diyos. Halimbawa, mayroong mga taong inaabuso ang sarili sa masamang bisyo para lang maging maganda ang tingin niya sa sarili o ang tingin ng ibang tao sa kanya. Mayroon din namang para maiangat ang sarili, ibinabagsak ang iba sa pamamagitan ng paninirang puri. Pero sa totohanan, imbes na bumuti ang kanilang pagkatao sa harap ng Diyos at ng ibang tao, mas napapasama pa nga sila.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) | 9 Hunyo 2024
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barsoain Church

Genesis 3, 9-15
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8
Sa piling ng Poong Diyos
may pag-ibig at pagtubos.
2 Corinto 4, 13 – 5, 1
Marcos 3, 20-35
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#10thSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press