ANG TUGON


ANG TUGON
Homiliya para sa ika-31 Linggo ng Karaniwang Panahon, 3 Nobyembre 2024, Mk 12:28b-34
Salamat po sa mga panalangin ninyo para sa matagumpay na nakaraang Sinodo sa Rome. Habang pinagnininlayan ko ang Gospel reading natin ngayon, bumalik sa alaala ko si Pope Benedict XVI sa kauna-unahang Sinodo na dinaluhan ko sa Roma noong 2008: ang Synod on “The Word of God in the Life and Mission of the Church.” Sa isang spontaneous intervention niya sa Sinodong iyon, parang ang lakas ng dating sa akin ng ibinigay niyang depinisyon sa pananampalataya: ito daw ang “human response to the God who speaks to us.” Sagot ng tao sa Diyos na kumakausap sa kanya. Mas lalo akong namangha nang inexplain pa niya: “What kind of response? It is the human response of love to the God who loved us first.” Ibig sabihin, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay tugon lang sa Diyos na unang umibig sa kanya. Kaya naisip ko, pwede ba nating mahalin ang Diyos kung hindi muna tayo mamulat na mahal tayo ng Diyos? Sagot: HINDI. Kaya pala ang susi ng pananampalataya para kay Hesus ay EBANGHELYO. Ibig sabihin: Mabuting Balita. At ang mabuting balita ay walang iba kundi ang: MAHAL TAYO NG DIYOS: Jn 3:16-17. Kaya naparito sa mundo ang Anak niya ay para tubusin tayo, hindi husgahan. Ang ang pantubos, sariling buhay niya.
Ito ang naging gabay sa akin para maintindihan ang sagot ni Hesus sa tanong ng eskriba sa kanya sa ating Gospel reading ngayon. Napansin ba ninyo na parang hindi sinagot ni Hesus ang tanong ng eskriba? Sa simpleng salita, ang tanong ay, “Kung sampu ang utos at ire-rate ninyo ng 1-10 according to their order of importance ang sampu, alin ang magiging number 1? Ang sagot niya parang wala sa sampu. Kinuha niya sa ibang pagbasa: ang dakilang kautusan ayon sa Deut 6 ang tinawag niya una, at ang pagibig sa kapwa sa Lev 19 ang tinawag niyang pangalawa. At itong nagtanong na eskriba dapat sana humirit pa at sinabing, “E hindi nyo naman sinagot ang tanong ko.” Pero sa reaksyon niya sa sagot, hindi lang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press