ASENSO TAYO


ASENSO TAYO
Homiliya Para sa Linggo ng Pag-akyat sa Langit,
Araw ng mga Ina at
Araw ng Pandaigdigang Komunikasyon,
12 Mayo 2024, Mark 16:16-20

Medyo overloaded ang dating ng Linggong ito: Ascension, Mother’s Day, at World Communications Sunday. Kaya pasensya na kung medyo overloaded din nang konti itong homily na ito. May tatlong punto: Ascension, Mother’s Day at Communication.
Ok. Simulan natin sa ASCENSION, na ang kahulugan ay hindi pag-akyat kundi pag-angat, sa Ingles LIFTING UP. Kaya siguro sa England, ang tawag sa elevator ay LIFT—something that makes you ascend. Ganyan din sa mga Frances at Espanyol: ascensor, ascenseur. Mula sa ibaba, pwede kang dalhin sa itaas, pero pwede ka ring ibaba mula sa itaas. Kaya siguro sa Filipino, naging larawan ang salitang ASENSO sa pag-angat ng kalagayan sa buhay—halimbawa, kapag ang dating gutom at hikahos ay guminhawa.
Sa ebanghelyo, sabi ni San Markos, “After he spoke to them, Jesus was lifted up into heaven and took his seat at the right hand of God.” Sa Gospel of John walang kuwento tungkol sa ascension, pero may mga linya kung saan nababanggit ang tungkol sa ascension. Halimbawa sa John 3:13, sinabi ni Hesus kay Nicodemus, “Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit.”
Umasenso ba si Kristo nang umakyat siya sa langit kung doon din naman siya nanggaling? Hindi. Sino ba ang umasenso? Hindi ang pagka-Diyos niya kundi ang pagkatao natin ang dinala niya sa langit. Kaya umakyat sa langit ang Anak ng Tao ay dahil niloob ng Anak ng Diyos na bumaba sa lupa at magkatawang-tao. Sino ang umakyat? Ang Anak ng Tao. Sino ang bumaba? Ang Anak ng Diyos. Kay Kristo iisa lang ang dalawa. Kay Kristo naging iisang persona ang pagkaDiyos at PagkaTao: sa kanya natin nakilala ang Diyos na Totoo na nagingTaong Totoo.
Ang pag-angat ng Anak ng tao bilang Anak ng Diyos ay bunga ng PAGBABA ng Anak ng Diyos sa kanyang pagkakatawang-tao na bunga ng pagibig niya sa sangkatauhan.Ito ang bunga ng kenosis—nang umangat ang dangal ng tao

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press