BAGONG BUHAY | Homily for Fifth Sunday of Lent (A


BAGONG BUHAY

Ang kadakilaan ng Diyos ay hindi lamang natin masisilayan sa mga imahen na nakatakip ngayon. Ipinapaalalang muli ng ating mga pagbasa na mababakas ang kadakilaan ng Diyos sa ating pagkatao. Noong tayo ay binyagan, tinanggap natin ang isang bagong buhay na kaugnay ng buhay ng Diyos. Namatay na ang dati nating pagkatao at naging bagong nilalang tayo bilang kaisa ni Kristo. Kaya nga sa unang pagbasa ngayon, nangungusap si Propeta Ezekiel tungkol sa bagong buhay na igagawad ng Diyos mula sa mga tuyong kalansay. Ang mga kalansay ay tanda ng kasawian at kawalang pag-asa dulot ng pagkatalo ng Bansang Israel at pagsakop sa kanila ng mga dayuhan. Subalit ang pangako ng Diyos, muling magkakaroon ng buhay ang mga kalansay, magkakalaman at balat at magkaka-hininga. Hindi man ito tahasang tumutukoy sa pagkabuhay ng mga yumao sa wakas ng panahon, nagpapahiwatig naman ito ng pagbangon ng Israel mula sa kasawian, ang muling pagsilay ng pag-asa, ang pagbangon ng Israel at pagkakaroon nila ng bagong buhay kapag iniligtas na sila ng Mesiyas upang itaguyod ang bagong kaharian.

Show More

Part 2 Homily by Fr. Franz Dizon
Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A) | 26 Marso 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan

Ezekiel 37,12-14
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8
Sa piling ng Poong Diyos
may pag-ibig at pagtubos.
Roma 8, 8-11
Juan 11, 1-45
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#5thSundayOfLent(A)
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press