BAGONG KATAWAN


BAGONG KATAWAN
Homiliya para sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon,
6 Nobyembre 2022, Lk 20:27-38

Mula nang magsimula ang pandemya, parang unti-unti nang nasanay ang mga Katoliko sa cremation, na dati-rati ay hindi pa katanggap-tanggap sa maraming mga Kristiyano dahil nga sa paniniwala natin sa muling pagkabuhay. Masyado pa kasing literal noon ang intindi natin sa doktrinang ito, kahit alam naman natin na ang katawan natin ay talagang mabubulok at babalik sa lupa.
Siguro dahil din ito sa mga binabasa natin na mga kuwento sa ebanghelyo tungkol sa mga taong namatay pero ibinangon muli ni Hesus. Halimbawa iyung namatay na binatang anak ng babaeng balo na taga bayan ng Naim, o iyung dose anyos na anak ni Jairus, o si Lazaro na kapatid nina Marta at Maria. Namatay sila pero binuhay na muli ni Hesus. Iyun na ba ang ibig sabihin ng “muling pagkabuhay”? Hindi. Bakit? Kasi namatay din silang muli. Hindi naman RESURRECTION ang dapat itawag doon sa English kundi “RESUSCITATION”. Binuhay na muli pero katawang lupa pa rin.
Sa Sulat ni San Pablo sa Romans chapter 6:8, sabi niya, “At kung namatay tayong kasama ni Kristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. Alam natin na si Kristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.”
Ito rin ang paksa ng ating Gospel reading ngayon: ano ba ang kahulugan ng muling pagkabuhay? Kahit kasi noong panahon ni Hesus at ni San Pablo, hindi pa nagkakasundo ang mga Hudyo tungkol sa doktrina ng muling pagkabuhay. Meron ngang isang eksena sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol, chapter 24,13-15, noong minsan inaresto at nililitis si San Pablo at pinagkakaisahan siya para masentensyahan ng parusang kamatayan. Nakaisip siya ng paraan para ma-divide ang Konseho ng Sanhedrin. Sabi niya, “Ako ba’y nililitis ninyo dahil sa aking paniniwala sa muling pagkabuhay?” Ayun, nagkagulo tuloy sila at hindi na magkasundo. Kumampi sa kanya ang mga Pariseo dahil naniniwala sila sa muling pagkabuhay, laban

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press