BAKIT INALIS NG DIYOS ANG KAHARIAN SA ISRAEL | MATEO 21:33-43 - LIVE STREAM
Rerad Scriptures:
Basahin natin ito: GENESIS 1
Show More
Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Magsasaka
(Mar. 12:1‑12; Luc. 20:9‑19)
33“Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar. 34Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte.
35“Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa. 36Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. 37Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito.
38“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ 39Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.
40“Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”
41Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”
42Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan?
‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong pundasyon.
Gawa ito ng Panginoon
at kahanga-hanga ito sa atin!’
43“Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [ 44Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”
45Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Hesus. 46Kaya gusto nilang dakpin si











