BAON SA BIYAHE


BAON SA BIYAHE
Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024,
John 6: 51-58

Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay VIATICUM, mula sa tatlong salita: via - te- cum. Ibig sabihin: “Kasama mo (o baon mo) sa biyahe.” Sa Pilipino, PANTAWID. Malakas ang dating ng salitang ito, lalo na sa mga dukha. (4Ps)
Kapag mahaba ang biyahe, ang baon na pagkain sa kalsada ay tinatawag nating PANTAWID-GUTOM. Dalawang klaseng biyahe ang pagnilayan natin ang biyahe sa buhay sa mundong ibabaw, at ang biyahe patungong kabilang buhay, at ang baon na kailangan natin para sa pagtawid.
Ang biyahe natin sa mundong ibabaw ay nagsisimula na, mula pa sa paglilihi sa atin sa sinapupunan ng ating ina. Ito ang paalala ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Mag-ingat kayo sa paraan ng inyong pamumuhay. (At ang tinutukoy niya ay buhay dito sa mundo.) Kasi nga, ang buhay sa daigdig ay parang paglalakbay din. Pwedeng maligaw, pwedeng madisgrasya, pwedeng maantala o hindi humantong sa dapat paroonan. Kailangan natin ng tamang baon sa pagtawid. Kung kailangan natin ng pagkain at materyal na bagay para makaraos sa mga pangangailangan sa buhay, di hamak na mas kailangan ang ibang klaseng pagkain at inumin.
Sabi pa ni San Pablo, “Huwag kayong gumaya sa mga mangmang. “ Naaalala ko talinghaga tungkol sa sampung dalagang sumasalubong sa lalaking ikakasal—ang lima daw ay marunong at ang lima ay mangmang. Ang karunungan ang sinisimbolo ng baon na langis, para hindi mamatayan ng apoy ang kanilang mga lampara.
Sa ating first reading, hindi langis kundi pagkain ang ginagamit na simbolo sa inaalok daw ng Karunungan. Para daw siyang nag-aalok sa handaan, nag-aanyaya na kumain tayo sa pagkain at inuming inaalok niya. Ano ang dulot ng pagkaing ito? Tutulungan daw tayong “Talikdan ang kamangmangan at umunlad sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press