BILIB | Homily for Fifth Sunday of Easter (A)


BILIB

Kaya nga ang paalala sa atin, lahat tayo may mahalagang gampanin. Subalit kailangan natin itong tuklasin. Noong binyagan tayo, ipinagkaloob sa atin ng Espiritu Santo ang kakayanang makibahagi sa misyon ng SImbahan sa natatanging pamamaraan. Hindi lang kaming mga pari, diyakono at obispo ang tinawag upang maglingkod sa mga pangangailangan ng simbahan. Nilinaw ng ikalawang konsilyo Vaticano ang mahalagang gampanin ng mga layko sa buhay ng simbahan. Kaya nga kahit sa pagdiriwang ng Liturhiya, maraming mga bahagi na dati’y inaako lamang ng pari, ngayo’y naibabahagi na sa mga layko tulad ng pagbasa ng banal na kasulatan at pagbabahagi ng banal na komunyon. Hindi lamang iyon, kahit sa pamamahala sa simbahan, nagkaroon na rin ng pagkakataong upang aktibong makilahok ang mga layko. Kaya naman, kahit sa pribadong buhay, inaasahan din naman na ang bawat Kristiyano, patuloy pa ring naglilingkod ayon sa diwa ni Kristo. Lahat tayo, may iba’t ibang gampanin at ang pagganap natin sa mga ito ang nagdudulot ng kasiglahan sa Simbahan. Binigyang diin din ni Papa Francisco sa paglulunsad ng synod on synodality ang halaga ng pakikiisa sa Simbahan kaya sana matugunan natin ang panawagang ito.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) | 7 Mayo 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan

Mga Gawa 6, 1-7
Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19
Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.
1 Pedro 2, 4-9
Juan 14, 1-12
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#5thSundayOfEaster
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press