BUEN CAMINO


BUEN CAMINO
Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024,
Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15

Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot nang tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya nang 215 kilometro kasama ang dalawang anak niya at isang manugang.
Marami daw silang mga kapwa peregrino na nakasabay sa camino. Ang bati daw nila sa isa’t isa ay BUEN CAMINO! Ibig sabihin, “Mabuting Paglalakad.” Iba’t ibang lugar ang kanilang pinagmulan pero lahat sila ay iisa ang destinasyon: ang Simbahan ng Santiago de Compostela sa rehiyon ng Galicia sa Espanya. Pwede daw pumili ng iba’t ibang ruta—may mahabang ruta na pwedeng abutin mula tatlo hanggang apat na linggo, may mas maikli, mula isa hanggang dalawang linggo. May mga rutang paliko-liko, may dumadaan sa mga bundok na may paakyat at pababa, mga papasok sa kagubatan, may bumabaybay sa may tabing ilog o sapa, may bumababa sa mga burol at mga liblib na kabayanan, mayroon ding mga rutang diretso sumusunod lang sa kalye at mga sementadong kalsada para sa nagmamadali. Pero lahat iisa lang naman ang patutunguhan—ang bayan ng Compostela (galing sa pangalang Latin na ang kahulugan ay kampo ng mga estrelya). Parang talinghaga sa biyahe ng tao patungong langit.
Nagwork-out daw muna si kuya nang halos tatlong buwan ng araw-araw na paglalakad dito sa atin sa Pilipinas para siguraduhing mabuo niya ang camino at makaabot sa Compostela na walang atrasan. Dumarating daw pala talaga ang sandali na medyo magsisimula nang masiraan ng loob ang peregrino, matutuksong umatras o mandaya at sumakay na lang ng bus o taxi. May sandaling mapapaisip ka daw—e para ke ba’t nagpapakapagod ako nang ganito sa paglalakad gayong aabot din naman ako sa Compostela kung sasakay ng eroplano o tren?
Pinlano pa nga raw ni kuya ang lahat ng pwede niyang gawin kung sakaling mainip siya sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press