Christian Dance | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Karapat-dapat sa Papuri" | Praise Song


Christian Dance | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Karapat-dapat sa Papuri" | Praise Song

I
Narinig ko ang tinig ng Diyos at naitaas ako sa harap Niya.
Natupad na ang pag-asang matagal ko nang inaasam,
at nag-uumapaw sa pananabik ang puso ko.
Kumakain, umiinom at nagtatamasa ako ng salita ng Diyos,
at namumuhay ng isang buhay-iglesia.
Nauunawaan ko ang maraming katotohanan, at tunay na lumiliwanag ang puso ko.
Inilantad ng salita ng Diyos ang mga layunin ko;
nanampalataya lamang ako sa Diyos upang magkamit ng mga pagpapala.
Ginagampanan ko ang aking tungkulin upang makipagkasundo sa Diyos.
Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang konsensiya o katwiran?
Nakita ko ang katotohanan ng aking katiwalian at nakita kong wala akong wangis ng tao.
Napuno ako ng pagsisisi dahil sa paglalantad at paghatol ng salita ng Diyos.
II
Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita ng Diyos kaya ako'y nagbago.
Hindi na ako nakagapos sa aking satanikong disposisyon,
at tunay na akong malaya.
Iniligtas ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos
at pinahintulutan akong mamuhay sa harapan Niya.
Nagsasalita at kumikilos ako ayon sa katotohanan at nagsasabuhay ng isang wangis ng tao.
Nilinis at iniligtas ako ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos.
Nakikita ko ang pagiging matuwid at banal ng Diyos,
at nagkakaroon ako ng mapagmahal-sa-Diyos na puso.
Ibinibigay ko sa Diyos ang aking tapat na puso
at ginagawa ko nang maayos ang aking tungkulin upang magpatotoo sa Diyos.
Pinasasalamatan at pinupuri ko ang Makapangyarihang Diyos
at sasambahin ko Siya magpakailanman!

Show More

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press