Christian Dance | "Ang mga Tao ng Diyos ay Pumupuri sa Kanya at Umaawit sa Kanya" | Praise Song
Christian Dance | "Ang mga Tao ng Diyos ay Pumupuri sa Kanya at Umaawit sa Kanya" | Praise Song
I
Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Silangan,
nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan.
Dinala Niya ang daan ng buhay na walang hanggan,
at ang lahat ng tao ay humahanga at umaawit ng papuri sa Kanya.
Narinig na natin ang tinig ng Diyos
at naging mapalad tayong makabalik sa harap ng Kanyang trono.
Iniinom at kinakain natin ang Kanyang mga salita nauunawaan natin ang katotohanan,
at napakamapalad natin na madiligan Niya.
Kahit sa ating mga pangarap ay hindi natin inakalang
magiging masuwerte tayong makita ang mukha ng tunay na Diyos.
Tinatanggap natin ang Kanyang pagpapastol at pagdidilig,
at ito ay tunay na pagpapala at biyaya ng Diyos.
II
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos
ay nagpapakita ng Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat
at nalupig at nakamit na ng mga ito ang ating puso.
Sa pagtanggap sa paghatol at pagdadalisay ng Diyos,
lumalago at gumugulang sa buhay ang mga tao ng Diyos.
Ang Diyos ay gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay
at ganap na ginapi si Satanas, ang malaking pulang dragon.
Ang ebanghelyo ng kaharian ay lumalaganap sa buong mundo
at ang hinirang na mga tao ng Diyos mula sa lahat ng bansa
ay isa-isang bumabalik sa Kanya.
Ang lahat ng tao ng Diyos ay sumasayaw at umaawit ng mga bagong awit,
pumupuri sa pagkamit ng kaluwalhatian ng Makapangyarihang Diyos.
Pinaghaharian Niya ang lahat ng bansa gamit ang Kanyang pangharing kapangyarihan,
at Siya ay karapat-dapat sa walang-hanggang papuri.
Show More
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng











