Christian Dance | "Bumabalik Ako sa Sambahayan ng Diyos" | Praise Song
Christian Dance | "Bumabalik Ako sa Sambahayan ng Diyos" | Praise Song
I
Naririnig ko ang tinig ng Diyos,
at sa wakas ay bumabalik ako sa sambahayan ng Diyos.
Talagang napakasuwerte ko na makita ang praktikal na Diyos.
Ang matagal ko nang inasam-asam sa loob ng maraming taon ay natupad na.
Ang bawat isa sa mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos
ay ang katotohanang realidad.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos,
mayroon akong landas na tatahakin
at nauunawaan ko ang landas na dapat kong tahakin bilang tao.
Diniligan ako ng buhay na tubig ng buhay,
at unti-unti akong lumago sa buhay.
Sa pamamagitan ng paghatol, iwinawaksi ko ang katiwalian
at mayroon akong wangis ng isang matapat na tao.
Hindi na ako naghahanap kung saan-saan;
nakapasok na ako sa katotohanan at nailigtas.
Ang mga salita ng Diyos ay malalim na tumatagos sa puso ng mga tao;
ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay kasiyahang walang kapantay.
Show More
II
Dumalo ako sa piging ng Kordero,
at tinanggap ko ang praktikal na pagsasanay ng kaharian.
Bagaman dumaan ako sa lambak ng mga luha,
ang pagmamahal na natikman ko mula sa Diyos ay totoong-totoo.
Ang mga mga pagsubok at kapighatian ay nagpapahirap sa aking puso,
na nagbubunyag ng labis na paghihimagsik at katiwalian.
Ang mga dumi sa aking pananalig ay nalilinis
at ang aking nagmamahal-sa-Diyos na puso ay nagiging mas dalisay.
Ang katapatan at katuwiran ng Diyos ay umaakit at bumibighani sa akin.
Ang disposisyon ng Diyos ay labis na kaibig-ibig,
naging sobrang lalim ng pagkakaugat nito sa aking puso.
Ang pagmamahal ko sa Diyos ay tumitindi araw-araw,
at nasisiyahan ako na kayang mahalin ng puso ko ang Diyos.
Ang Diyos ay banal, matuwid, at tunay na kaibig-ibig;
ang aking puso ay napupuno ng mga awit ng papuri.
III
Ang mga bituin ay ngumingiti sa akin mula sa kalangitan,
ang araw ay tumatango sa akin.
Ang araw ay sumisikat at ang mga ulan ay nambabasa,
at lumalaki akong malakas nang nasa tabi ko ang mga salita ng Diyos.
Ang mga salita ng Diyos











