Christian Dance | "Bumabangon sa Kabila ng Kadiliman at Pang-aapi" | Praise Song
Christian Dance | "Bumabangon sa Kabila ng Kadiliman at Pang-aapi" | Praise Song
I
Dahil sa malupit na pag-uusig ng malaking pulang dragon,
nakilatis ko ang mukha ni Satanas.
Sa pamamagitan ng maraming pagsubok at kapighatian,
nakita ko ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.
Dahil naunawaan ko na ang katotohanan at nagkamit na ako ng pananalig,
paano ako magiging kontento na hindi sumunod sa Diyos?
Lubha kong kinamumuhian si Satanas,
at mas lalo kong kinamumuhian ang malaking pulang dragon.
Ang manirahan kung saan naghahari ang demonyong hari
ay ang manirahan sa isang bilangguan.
Mahigpit akong hinahabol ni Satanas;
walang ligtas na lugar na matitirhan.
Ang pananampalaya at pagsamba sa Diyos ay ganap na likas at may katwiran.
Dahil pinili kong mahalin ang Diyos, mananatili akong tapat hanggang sa huli.
Si Satanas na haring demonyo ay lubos na malupit,
tunay na walang kahihiyan at kasuklam-suklam.
Malinaw kong nakikita ang malademonyong mukha ni Satanas,
at lalong minamahal ng aking puso si Cristo.
Hinding-hindi ko ipagpapatuloy ang isang walang-dangal na pag-iral
sa pamamagitan ng pagluhod kay Satanas at pagkakanulo sa Diyos.
Titiisin ko ang lahat ng paghihirap at pasakit,
at magtitiis ako sa pinakamadidilim na gabi.
Para bigyan ng kaaliwan ang puso ng Diyos,
magbibigay ako ng matagumpay na patotoo.
Show More
II
Ang gabi bago ang bukang-liwayway ay lilipas,
at ang Araw ng katuwiran ay nagpakita na.
Si Satanas at ang mga diyablo, sa kanilang paghihingalo,
ay nagseserbisyo sa gawain ng Diyos.
Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,
at si Satanas ay lubos nang napahiya at nagapi.
Sa pag-alam sa katuwiran ng Diyos, mas lalong minamahal ng puso ko ang Diyos.
Sa pagtatamasa ng pagmamahal ng Diyos,
dapat akong maging mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos.
Handa akong igugol ang lahat para suklian ang pagmamahal ng Diyos.
Determinado akong sumunod sa Diyos at ipakalat ang Kanyang mabuting balita.
Ibibigay ko ang aking huling katapatan,
magpapatotoo











