Christian Dance | "Isigaw ang mga Papuri sa Makapangyarihang Diyos" | Praise Song


Christian Dance | "Isigaw ang mga Papuri sa Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

I
Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,
ay nagpakita sa Silangan ng mundo.
Ipinapahayag Niya ang katotohanan para iligtas ang sangkatauhan,
Siya ang Tagapagligtas na nagpakita.
Naririnig ng hinirang na mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig
at itinataas sila sa harap ng Kanyang trono.
Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos at nauunawaan natin ang katotohanan,
lubos tayong nalulupig ng mga salita ng Diyos.
Sa pagdanas sa mga paghatol at pagsubok ng Diyos,
nalilinis ang ating tiwaling disposisyon.
Sa pamamagitan ng pang-uusig at kapighatian,
nakikita natin ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon.
Ginagamit ng Diyos si Satanas sa Kanyang serbisyo
upang gawing perpekto ang pananalig at pagmamahal ng tao.
Labis nating kinamumuhian ang malaking pulang dragon,
at talagang determinado tayong sundan ang Diyos hanggang sa huli.
Sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos,
nababago ang ating disposisyon at naisasabuhay natin ang wangis ng isang tao.
Iniligtas tayo ng Makapangyarihang Diyos, at sumisigaw tayo ng papuri sa Kanya!
Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos,
nakakamtan natin ang katotohanan, ang daan, at ang buhay;
ito ang biyaya at pagpapala ng Diyos.
Purihin at pasalamatan ang Makapangyarihang Diyos!

Show More

II
Sa pagpapahayag ng katotohanan upang maghatol at maglantad,
nilulupig at inililigtas ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan.
Bumabalik sa Diyos yaong mga tumatanggap sa katotohanan,
at nalilinis at nababago sila.
Ibinubunyag at kinokondena ng mga salita ng Diyos
yaong namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos;
nahuhulog sila sa sakuna, umiiyak at nagngangalit ang kanilang mga ngipin,
hindi na sila maliligtas.
Puno ng awtoridad at kapangyarihan ang salita ng Diyos,
tunay na marunong ang gawa ng Diyos.
Puno ng katuwiran ang paghatol ng Diyos,
at karapat-dapat sa walang hanggang papuri ng tao.
Kahanga-hanga at hindi maarok ang karunungan ng Diyos.
Walang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press