Christian Dance | "Minamahal Tayo ng Diyos Magpahanggang sa Ngayon" | Praise Song
Christian Dance | "Minamahal Tayo ng Diyos Magpahanggang sa Ngayon" | Praise Song
I
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumarito kasama ang tao,
mapagkumbaba at nakatagong gumagawa sa loob ng maraming taon.
Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan,
at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Ngayong pabalik na Siya sa Zion,
hindi maipaliwanang ang nararamdaman naming koneksiyon.
Napakaikli ng mga araw nating magkasama,
at walang nakaaalam sa araw ng ating muling pagkikita.
Namumuhay ang Diyos kasama natin,
sa maraming taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas.
Ginabayan Niya tayo sa napakaraming kapighatian, panganib, at tukso.
Kung hindi dahil sa awa at proteksiyon ng Diyos,
matagal na sana tayong nilamon at niyurakan ni Satanas.
Iniligtas ako ng Makapangyarihang Diyos,
ang dakila Niyang pagmamahal ay nasa puso ko habambuhay.
Isinasaisip ang atas ng Diyos, pa'nong bibiguin ko Siya?
Inihahandog ko ang aking katawan at puso sa Diyos,
at ginagawa ang aking makakaya para matugunan ang Kanyang mga hinihingi.
Hindi ako negatibo o mahina,
dahil ginagabayan ako ng salita ng Diyos sa mga pagsubok at kapighatian.
Tutuparin ko ang aking tungkulin nang may katapatan
at magbibigay ako ng malakas at matunog na patotoo.
Show More
II
Nagpapakapagod ang Diyos gabi at araw para sa kapakanan ng sangkatauhan,
buong-pusong gumagawa, inaalay Niya ang dugo, pawis, at mga luha Niya.
Sa mainit at mapagmahal na yakap ng Diyos, unti-unting lumalago ang ating buhay.
Sa aking kahinaan, sinusuportahan ako ng Diyos,
sa aking mga kalungkutan, inaaliw ako ng Diyos.
Sa aking pagdadalamhati, pinapalakas ang loob ko ng salita ng Diyos,
hakbang-hakbang akong dinadala tungo sa kung nasaan ako ngayon.
Mahirap kalimutan ang nakaraan,
at walang salitang makagpagpahayag ng masaganang pagmamahal ng Diyos.
Ilang ulit nang hinatulan ng Kanyang mahihigpit na salita
ang aking satanikong disposisyon,
at ilang ulit nang nagkaloob sa akin ng pagkakataong magsisi
ang Kanyang kabaitan at











