Christian Dance | "Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos" | Praise Song


Christian Dance | "Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos" | Praise Song

I
Nang may pananabik sa Iyong mga mata, tumatawag Ka nang may pag-aapura.
Sa harap sa malupit na sangkatauhan,
ipinahahayag Mo ang Iyong mga taos-pusong salita.
Para sa nag-iisa Mong pagnanais, nagdurusa Ka ng lubos na kawalang-katarungan,
ibinubuhos ang Iyong labis na maingat na pangangalaga at inaasam.
Hindi kailanman humihiling nang labis, malugod Mong ibinibigay ang lahat.
Katuwang sa mga paghihirap sa araw hanggang gabi,
nagdurusa Ka ng lubos na pag-uusig sa gitna ng tao.
Sino ang maikukumpara sa Iyong ganda,
ang pinaka-iginagalang at pinakabanal na minamahal?
Ang Iyong dakilang pasimulang gawain ay pupurihin sa lahat ng panahon.

Show More

II
Nahulog ako sa kasalanan, pero bumabangon sa liwanag.
Labis akong nagpapasalamat na lubos Mo akong itinataas.
Nagdurusa ang nagkatawang-taong Diyos,
kaya gaano katindi ako, na isang tiwaling tao, dapat magdusa!
Dapat ba akong sumuko sa madidilim na impluwensiya,
paano ko makikita ang Diyos?
Tuwing naaalala ko ang Iyong mga salita, napupuno ako ng pananabik para sa Iyo.
Tuwing nakikita ko ang Iyong mukha, napupuno ako ng pagkakonsensiya at paggalang.
Paano ko matitiis na abandonahin Ka, maghanap ng diumano'y kalayaan?
Mas gugustuhin kong magtiis ng lahat ng uri ng pagdurusa,
para masuklian ang sugatan Mong puso.
Kapag bumubukadkad muli ang mga bulaklak,
makikinig ako sa Iyong mabuting balita.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press
Christian Dance | "Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos" | Praise Song | Crossmap Videos Philippines