Christian Dance | "Napakapinagpala ang Makamit ang Katotohanan" | Praise Song


Christian Dance | "Napakapinagpala ang Makamit ang Katotohanan" | Praise Song

I
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumarito sa mundong ito sa mga huling araw.
Nagsasalita at nagpapahayag Siya ng katotohanan at nagpakita na Siya sa harap ng tao.
Naririnig natin ang Kanyang tinig at tayo ay itinataas sa harap Niya.
Talagang pinagpala tayo na makadalo sa piging kasama ang Panginoon.
O, minamahal na Makapangyarihang Diyos!
Ang iyong mga salita ay isang walang-hanggang kasaganaan.
Kumakain at umiinom kami ng Iyong salita araw-araw,
nagagawa naming maunawaan ang maraming katotohanan.
Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang direksiyon at landas
para hindi tayo mag-apuhap sa kalabuan.
Alam ng ating puso ang kapayapaan at walang-hanggang kasiyahan,
at ito ay tunay na biyaya at pagpapala ng Diyos.
Umaawit, nagsasayaw, at pumupuri tayo sa Makapangyarihang Diyos.
Pinasasalamatan natin ang Diyos sa personal na pagdidilig at pagtutustos sa atin.
Ang ating puso ay nagmamahal sa Diyos at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos.
Ipinalalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian,
at magpapatotoo tayo sa Diyos magpakailanman.

Show More

II
Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos,
nagagawa nating makilala ang ating sarili.
Sa pamamagitan ng lahat ng paraan ng pagdurusa at pagpipino,
nakakamit ng ating mga disposisyon ang pagbabago.
Habang nakikilala natin ang pagiging matuwid ng Diyos
at nakikita ang Kanyang kagandahan at kabutihan,
ang ating puso ay higit na nagkakaroon ng takot sa Diyos at nagmamahal sa Kanya.
O, minamahal na Makapangyarihang Diyos! Inililigtas kami ng Iyong paghatol.
Iwinaksi na namin ang aming mga tiwaling disposisyon
at makapagpapasakop kami sa Iyo.
Isinasagawa namin ang katotohanan para maging matatapat na tao,
at ginagampanan ang aming mga tungkulin sa isang praktikal na paraan.
Umaapaw ang aming kagalakan habang hinahangad naming mahalin ang Diyos,
at napupuno ng tamis ang puso namin
habang nagagawa naming maunawaan ang katotohanan.
Umaawit, nagsasayaw, at pumupuri tayo

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press