Christian Dance | "Paglalakad sa Maliwanag na Landas ng Buhay" | Praise Song


Christian Dance | "Paglalakad sa Maliwanag na Landas ng Buhay" | Praise Song

I
Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan
at dinadala sa tao ang daan ng buhay na walang hanggan.
Araw-araw tayong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos,
at dumadalo sa piging ng kaharian ng langit.
Nauunawaan natin ang katotohanan at lumiliwanag ang ating mga puso,
at nakikita natin nang malinaw ang kadiliman at kasamaan ng mundong ito.
Mula ngayon, hindi na tayo maghahanap pa,
sapagkat ipinakita na ng Diyos ang landas ng buhay.
Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, iwinawaksi natin ang ating katiwalian
at nakakamit natin ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos.
Sa pagsasagawa sa katotohanan, pinalaya tayo,
at isinasabuhay natin ang wangis ng mga bagong tao.
Nakatitiyak tayo na si Cristo ang katotohanan,
at nagkaroon ng pundasyon ang ating mga puso
kung saan nakasalalay ang ating pagmamahal sa Diyos.
Napakapalad natin na makamit ang kaligtasan ng Diyos,
at para dito, naghahandog tayo ng pasasalamat at papuri sa Diyos.
II
Sa pamamagitan ng pang-uusig, mga kapighatian at pagsubok,
nananatili sa ating tabi ang salita ng Diyos, gumagabay sa atin.
Paulit-ulit tayong sinusuri at sinusubukang akitin ni Satanas,
ngunit binibigyang-liwanag tayo ng salita ng Diyos
upang makita natin nang malinaw ang mga pakanang ito.
Malinaw kong nakikita kung gaano kasama at kakasuklam-suklam si Satanas,
at lubos kong hindi kayang lumuhod o makipagkompromiso rito.
Mananatili akong tapat hanggang kamatayan at susunod sa Diyos hanggang dulo,
at mananatiling matatag sa aking patotoo upang bigyang-kapanatagan ang puso ng Diyos.
Sa pamamagitan ng mga pagsubok, mas lalong lumalakas ang aking pananampalataya,
at mas lalo kong nararamdaman
ang pagiging kamahal-mahal at kaibig-ibig ng Diyos.
Inaalay ko ang aking buong pagkatao sa Diyos,
at nagpapasakop ako sa mga pamamatnugot at pagsasaayos Niya.
Sa pagpapatotoo kay Cristo, wala tayong kinatatakutang balakid;
ang liwanag ng katuwiran ay nagpakita na.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press