Christian Dance | "Pagtitipon sa Sion" | Praise Song


Christian Dance | "Pagtitipon sa Sion" | Praise Song

I
Si Cristo ng mga huling araw ay nagpapahayag ng katotohanan,
nagpapakita Siya sa lupa sa Silangan.
Lahat ng tao'y lumuluhod at sumasamba,
ang bibig nila ay umaawit sa Diyos ng kanilang papuri.
Ang buong sansinukob ay papanibaguhin;
ang buong mundo ay puno ng papuri.
Ang mundo ay puno ng katuwiran ng Diyos,
dahil ito'y naging langit at lupa ng Diyos.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.
Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;
magtatamasa tayo habambuhay ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

Show More

II
Lumiliwanag ang mukha ng Diyos nang may kaligayahan;
ang araw ng Diyos ay dumating na.
Ang lahat ng puting ulap sa langit ay sumasalubong sa Kanya,
dahil Siya ay nagbalik nang matagumpay.
Napakasaya ng puso ng Diyos, panatag ang puso Niya—labis Siyang nasasabik.
Nagbalik na ang Diyos sa Kanyang tahanan,
at muli Niyang nalalasap ang init ng pamilya.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.
Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;
magtatamasa tayo habambuhay ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

III
Lumilitaw at nagliliwanag ang kaluwalhatian ng Diyos;
ang mga bundok ay nagsasaya at ang mga tubig ay tumatawa.
Ang araw at buwan at mga bituin ay umiikot at humahanay para sumalubong.
Kinukumpleto Niya ang anim na libong taong plano,
at matagumpay na nagbabalik.
Tayo'y nagsasaya at tumatalon sa galak,
ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa buong lupa.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.
Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;
magtatamasa tayo habambuhay ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press