Christian Dance | "Tumunog Na ang Trumpeta ng Katotohanan" | Praise Song
Christian Dance | "Tumunog Na ang Trumpeta ng Katotohanan" | Praise Song
I
Nagsasalita ang Anak ng tao sa mga huling araw, niyayanig ang mundo.
Ipinapahayag Niya ang katotohanan, hinahatulan ang kasamaan,
at nililinis at inililigtas ang tao.
Naririnig ng hinirang na mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig at bumabalik sila sa Kanya.
Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos
at nauunawaan natin ang katotohanan;
nagpapasalamat at nagpupuri tayo sa Diyos.
Kay tamis ng personal na madiligan at matustusan ng Diyos.
Nagagalak at masaya tayong sumalubong sa Panginoon,
at dumadalo tayo sa piging ng kaharian ng langit.
Show More
II
Kinakain at iniinom ng mga tao ng Diyos ang Kanyang salita
at tinatanggap nila ang Kanyang paghatol.
Nalilinis ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at isinasabuhay nila ang wangis ng tao.
Banal at matuwid ang disposisyon ng Diyos, kapwa kamangha-mangha at kaibig-ibig.
May takot sila sa Diyos at iniiwasan ang kasamaan,
at pinupuri ang pagiging matuwid ng Diyos.
Inihahandog nila ang kanilang buong pagkatao para magpatotoo kay Cristo
at ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian.
Yumuyukod ang lahat ng tao sa pagsamba, at nagpupuri sa Makapangyarihang Diyos.
III
Ang Diyos ay maharlika, ang Diyos ay poot,
hindi kinukunsinti ng Diyos ang pagkakasala ng tao.
Nasa huling yugto na ng kanilang pagkawasak si Satanas at ang mga demonyo,
nananaghoy sa gitna ng nagngangalit na apoy.
Ang Tsina, ang lugar na ito ng mga diyablo, ay kinakastigo,
na nagbubunyag ng pagiging matuwid ng Diyos.
Yaong mga nagising ay nagbabalik-loob sa Diyos
at tumatanggap ng kaligtasan mula sa Kanya.
Dumaranas ng mga paghihirap ang mga tao ng Diyos
at nagbibigay sila ng matagumpay na patotoo para sa Diyos.
Ang makapangyarihang tunay na Diyos ay natalo na si Satana
at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Nagkamit na Siya ng kaluwalhatian.
IV
Lumaganap na ang mga salita ng Diyos sa bawat sulok ng mundo,
lumitaw na ang kaharian.
Nagbibigay liwanag sa mundo ang Araw ng katuwiran,
at











