Christian Dance | "Tunay na Mabuti ang Buhay Iglesia" | Praise Song
Christian Dance | "Tunay na Mabuti ang Buhay Iglesia" | Praise Song
I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang tao,
malakas ang tinig naming nagpupuri sa Iyo.
Itinaas kami sa harap ng Iyong trono
para dumalo sa piging ng kaharian ng langit.
Kami ay dinidiligan ng Iyong mga salita at nagtatamasa ng Iyong labis na pagmamahal;
sa bawat araw na pamumuhay sa harap Mo,
masaya at matamis ang pakiramdam ng aming puso.
Inaakay tayo ng mga salita ng Diyos tungo sa isang bagong buhay.
Sa pagsasagawa at pagdanas ng Kanyang mga salita
natatanto natin kung gaano talaga kahalaga ang katotohanan.
Ngayon ay nauunawaan na natin ang katotohanan
at hindi na tayo napipigilan ng mga regulasyon,
kaya maisasagawa natin ang katotohanan, makapagpapasakop tayo sa Diyos,
at makapagkakamit ng kalayaan at paglaya.
La…la…la…la…
Tunay na maligaya ang buhay iglesia
at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.
II
Isang tunay na karangalan ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos,
nakikita natin kung gaano talaga tayo katiwali.
Bagamat dumanas tayo ng mga pagsubok at pagpipino,
nalilinis naman ang ating mga satanikong disposisyon.
Sa pagpasok sa katotohanang realidad, nakikita natin ang mga pagpapala ng Diyos.
Natatamo natin ang katotohanan at inililigtas tayo ng Diyos,
nagkakamit tayo ng bagong buhay.
Sa pagwaksi sa ating katiwalian at pagiging mga bagong tao,
nararanasan natin kung gaano kapraktikal ang pagmamahal ng Diyos.
Natatamo natin ang katotohanan at napapalaya tayo,
nag-uumapaw sa kagalakan ang puso natin.
Tunay na pinagpala tayo na makalaya sa impluwensiya ng kadiliman
at na makamit ng Diyos!
La…la…la…la…
Tunay na maligaya ang buhay iglesia
at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.
III
Matiwasay na nagtutulungan ang mga kapatid, namumuhay sa mga salita ng Diyos;
minamahal at sinusuportahan natin ang isa't isa,
nang walang distansya sa pagitan ng ating mga puso.
Isinasagawa natin











