CONVERSATION IN THE SPIRIT


CONVERSATION IN THE SPIRIT
Homily for the Feast of the Transfiguration of Jesus
March 16, 2025 – Second Sunday of Lent, Luke 9:28b-36

PAG-UUSAP SA LIWANAG NG ESPIRITU (Conversation in the Spirit)
Homiliya para sa Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ni Hesus, 16 Marso 2025, Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, Luke 9:28b-36
Ang kuwentong narinig natin sa ebanghelyo ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong kuntento sa translation ng transfiguration sa Tagalog na “pagbabagong-anyo.” Totoo, nagbago ang anyo ni Hesus, habang nasa gitna siya ng pakikipag-usap kina Moises at Elias. Totoo namang nakapagbabago ng anyo ang pakikipag-usap. Naalala ko ang sinabi ng isang testigo na nakasaksi ng pamamaril ng kapitbahay niya sa isang delivery man ng Grab. Nag-uusap daw ang dalawa at narinig niyang nagko-complain ang kapitbahay tungkol sa kundisyon ng delivery at ang pangangatwiran ng delivery man. Nagsimula daw magtaasan ang mga boses nila at nagsimulang magmurahan. Nakita daw niyang nagbago ang mukha ng kapitbahay sa tindi ng galit, nanlisik ang mga mata, at may kinuha sa kotse niya na baril pala, at pinagbabaril ang delivery man.
May kausap din si Hesus sa kuwento ni San Lukas, pero kakaibang pagbabago ang nakita ng mga alagad kay Hesus. Nagningning daw ang mukha, kumikislap ang damit sa kaputihan. Ang mas angkop na description sa ganyan ay pag-iibayong-anyo. Masyadong generic ang pagbabagong-anyo. Kapag in-love ang tao sa kausap niya makikita mo ang kakaibang ngiti at lagkit ng paningin. Kapag ngumiti sa iyo ang isang sanggol o bata, kahit gaano ka kasungit, parang matutunaw ang puso mo. O kapag siryoso at makabuluhan ang pinag-uusapan at malalim ang napupulot na aral ng bawat isa at may pagtatagpo ng kalooban.
Paano ba makakausap ni Hesus sina Moises at Elias gayong ilang daang taon ang mga pagitan ng mga panahon na kinalagyan nila? Ito ang problema kapag masyadong literal ang basa natin sa Bibliya. Nakukuha natin ang salita pero hindi ang kahulugan nito. Kaya nga natin kailangang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press