DAING NG SANGNILIKHA


DAING NG SANGNILIKHA
Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes,
19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na iyon? Ang misyon na baguhin, hindi lang sila, hindi lang ang sangkatauhan, kundi ang buong sanlibutan sa pamamagitan nila.
Iyon ang sinasabi ng isa sa pinakamatandang panalangin sa Espiritu Santo: Come Holy Spirit:
Come, Holy Spirit, fill the hearts of Thy faithful
and kindle in them the fire of Thy love.
Send forth Thy Spirit and they shall be created.
And Thou shalt renew the face of the earth.
Sa Tagalog:
Halina, Espiritung Banal, puspusin mo ang mga puso ng iyong mga mananampalataya
at pagningasin mo sa kanila ang apoy ng iyong pagibig.
Hayaan mong umihip sa kanila ang banal mong hininga
upang sila’y malikha at upang sa pamanagitan nila ang daigdig ay maging isang bagong sangnilikha!
Apoy ng Pag-ibig ang tawag sa Espiritu Santo. Sa Latin ang salita para sa pag-ibig ay CARITAS, na sa Ingles ay CHARITY. May kasabihan tayo sa Ingles: “Charity begins at home.” Sa tahanan daw nagigising ang kagandahang-loob ng tao, natutong magmalasakit at lumabas sa sarili. Totoo naman, di ba? Kaya nga napaka-importante ng pamilya, kasi ito ang unang eskwelahan natin. Dahil karamihan sa atin lumaki sa hirap, sa mesa tayo natuturuan unang magmalasakit, at matuto sa pakiramdaman. Hindi ba pag pinakakain ang mga aso sa iisang kainan, natural lang na kung pare-pareho silang gutom, mag-uunahan sila, minsan mag-aaway pa nga dahil lahat sila walang ibang hangad kundi ang makakain nang sapat at mabusog? Ganyan kasi ang hayop.
Pero tayo, kahit hayop din tayo, alam natin higit pa tayo sa hayop. Tao tayo, marangal. Kaya tinuturuan tayo na magpakatao,isipin ang kapakanan at ikabubusog hindi lang ng sariling tiyan, kundi ng bawat isa. Iyan ang charity—pag-ibig o

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press