Daniel Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang Aklat ng Daniel ay nasulat sa panahon ng labis na paghihirap ng mga Judio dahil sa pag-uusig at pang-aapi ng isang haring pagano. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga kuwento at ulat tungkol sa mga pangitain, pinapalakas ng may-akda ang loob ng kanyang mga kababayan, kasama ang pag-asang ibabagsak ng Diyos ang malulupit na pinuno at ibabalik ang kapangyarihan sa kanyang bayan.
May dalawang pangunahing bahagi ang aklat na ito:
1) Mga ulat tungkol kay Daniel at sa iba pang mga bihag na nagtagumpay laban sa kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang pananalig at pagsunod sa Diyos. Nangyari ang kasaysayang ito noong panahon ng mga imperyo ng Babilonia at ng Persia.
2) Mga pangitain ng ilang imperyo, simula sa Babilonia, ang pagbagsak ng panganong mananakop, at ang tagumpay ng bayan ng Diyos
NILALAMAN
Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan (1:1-6:28)
Mga pangitain ni Daniel (7:1-12:13)
a. Ang apat na halimaw (7:1-28)
b. Ang tupang lalaki at ang kambing (8:1-9:27)
k. Ang sugo mula sa langit (10:1-11:45)
d. Ang tungkol sa huling panahon (12:1-13)
Show More
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#bibliya
#Jesus
#bibleverses
#panalangin
#dasal
#salitangdiyos
#bibletagalog
#bible
#angaklatngdaniel
#bookofdaniel











